PR_Chapter IX

5.1K 167 5
                                    

A.N.:

SURPRIIIIIISE!!!!!!!!!!!!!

Nagbabalik ang....TEEVEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE-----ai mali. :P

Oi, konting vote naman diyan! Andito na ako oh?! XD

Sorry nga pala. Mwehehehehe...:D

~~~~~

Psychotic Rage Chapter IX


Tumakbo si Rosella patungo kay Micca Ella at sinuntok niya ito sa mukha, bumagsak si Micca Ella sa sahig ngunit nakatayo rin siya kaagad at ibinalik niya ang suntok kay Rosella, biglang naging asul ang mga mata ni Micca Ella at nagulat si Rosella sa nakita niya.

"Anong--"

Hindi nakapagpatuloy si Rosella sa kanyang pagsasalita nung bigla siyang ginamitan ng telekinesis ni Micca Ella, lumipad siya patungo sa pader bago bumagsak. Bumangon naman si Rosella na parang walang nangyari, ginamitan niya ng telekinesis si Micca Ella at tumilapon naman siya at bumagsak sa sahig.

"Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin..."

Salita ni Micca Ella habang siya'y bumabangon.

"...ikaw pa ang may karapatang magsabing magbabayad ako?!"

Nakatayo si Micca Ella at ginamit niya ang telekinesis niya at pinalutang ang mga bakal na nasa tabi-tabi, tinapon niya ito kay Rosella.

**

[Samantha's POV]

"Nasaan na ba kasi sila?!"

Galit na sigaw ko kay Rachel, nasa Impala niya kami ngayon at hinahanap namin si Micca Ella. Akala ko ba telekinesis lang ang kakayahan niya, bakit bigla lang siyang naglaho na parang bula? May kakayahan ba din siyang magteleport? O_o

May nadaan kaming isang lumang ware house at may narinig kaming ingay. Agad hininto ni Rachel ang sasakyan at bumaba kami. Pumasok kami sa ware house at nakita namin ang mga lumutang na bakal.

At doon namin nakita si Micca Ella, lumingon kami sa kanan at nakita namin si Rosella.

Buhay nga siya.

"HUWAG!"

Sigaw ko, lumingon si Micca Ella sa akin at binaba niya ang mga bakal na lumutang, bumalik sa dati ang kanyang mga mata na kanina ay asul.

"Anong ginagawa niyo dito? Teka...bakit ako nandito?"

Tanong niya na parang hindi niya alam ang nangyayari, tumingin siya sa harapan niya at nakita niya si Rosella na galit na nakatingin sa kanya.

"Rosella?!"

Gulat na tanong niya. Tumingin kaming dalawa ni Rachel kay Rosella.

"TABI!"

Napasigaw kaming dalawa ni Rachel nung tinulak niya kami gamit ang telekinesis niya. Tumingin siya ulit kay Micca Ella at ngumiti siya ng masama.

"Hmm, kung unahin ko kaya ang mga kaibigan mo...tapos, ikaw?!"

Nanlaki ang mga mata ni Micca Ella.

"Rosella, anong ginagawa mo?! Kaibigan mo sila!"

Paliwanag niya, ngunit tila hindi naririnig ni Rosella ang sigaw ni Micca Ella, nilapitan niya kami at gamit ang kakayahan niya, nagawa niya kaming hawakan sa leeg gamit ang isipan niya.

"Rosella!!! TAMA NAAA!!!"

Muntikan na akong maubusan ng hininga, pero tinigil ni Rosella ang ginawa niya, narinig niya ata ang sigaw ni Micca Ella dahil napatingin siya sa kanya.

"Fine."

Sagot ni Rosella, ngunit nagulat ako nung bigla niyang kinuha ang kanyang baril at pinaputok ito, napapikit ako ngunit wala akong naramdamanang tumama sa akin.

Binuksan ko ang mga mata ko...

"Micca Ella!!!!"

Narinig kong sumigaw si Rachel at nilapitan niya ang duguan na si Micca Ella...

Biglang bumagal ang takbo ng oras...

Lumingon ako kay Rosella at hawak-hawak parin niya ang kanyang baril.

Unti-unti akong lumingon kay Micca Ella, napuno ng dugo ang tiyan niya, tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Micca."

Salita ko. Ngunit hindi siya sumagot...umubo lang siya at pilit niyang tumayo ngunit hindi niya magawa.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGH!!!!!!"

Lumingon kaming tatlo nung narinig naming sumigaw si Rosella, nakatutok na ang baril sa akin ipapaputok niya sana ang baril nung biglang may pumigil sa kanya.

May dumating na mga pulis.

Narinig nila ang putok ng baril...

Hinawakan ng dalawang pulis ang braso ng nagwawalang si Rosella at nabitawan niya ang kanyang baril.

"Bitawan niyo akoo!!!"

Ginamit ni Rosella ang kanyang kakayahan at tumilapon ang dalawang pulis sa tabi, kukunin na sana niya ang kanyang baril nung bigla siyang tinamaan sa ulo ng isa pang pulis at nawalan siya ng malay.

"Tulong!" Sigaw ko habang hinawakan ko si Micca Ella.

"Sam..."

Mahina niyang sabi.


"Hindi ko na kaya..."

~~~~~

A.N.:

SIGE NA!!! PATAYIN NIYO NA AKOOO!!!!!!! Y_____Y

kaya ko na nga diniscontinue dahil alam kong papatayin niyo ako sa ending eeeeh!!! hmmmp!!!

okay, lalayas na ako, baka ipabugbog niyo pa ako sa labas!!!

Hindi!!

Magkukulong ako sa kwarto ko buong taon!!! O___O

SORRY ulit!!! :(((((((

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon