Psychotic Rage Chapter VIII
[Rachel's POV]
"Sam!!! Asaan ka?!"
Nagmamadali kong sabi, natataranta na ako dito, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
"Nasa NBS, namimili ng novels...bakit ba? At bakit parang natataranta ka diyan?"
Sagot niya sa kabilang linya.
"Eh...kasi si Micca Ella!!!"
"Bakit?!"
"Nawawala!!!"
"Nawawala?!?!?!"
[Samantha's POV]
Agad akong lumabas ng NBS at pumunta sa bahay nina Rachel, habang parating ako sa bahay nila, nakita ko siyang nakatayo sa gate at tila hinihintay niya ako.
"Anong nangyari?!"
Tanong ko habang bumababa ako sa sasakyan, bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
"Kanina lang, narinig ko siyang sumigaw, tapos, ayun, bigla siyang nagsalita na may pumatay sa ama niya tapos sabi din niya na papatayin niya ang anak ng...ewan, hindi ko maintindihan eh!"
Pataranta niyang sabi, tapos nilalaro niya ang mga daliri niya, ganyan siya kapag kinakabahan.
"Paano kung may gagawing kabaliwan yung si Micca Ella?"
Tanong niya sa akin, bigla din naman akong kinabahan sa sinabi niya, huminga ako ng malalim ang ngumiti ng konti.
"Hahanapin natin siya."
~~~~~
"ROSELLAAAAAA!!!!!!!! Lumabas ka diyan!!!!!!"
Ewan ko kung saan ako dinala ng mga paa ko parang may mga sariling utak na dinala ako sa lugar na hindi ko alam kung nasaan...ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit parang hindi kayang kontrolin ng utak ko ang sarili kong katawan. At bakit ko ba hinahanap si Rosella?! Teka nga....ANO BA ANG NANGYAYARI?!?!?!?!??!?!?!
"Aaaagh!"
Biglang sumakit ang ulo ko, hinawakan ng dalawang kamay ko ang ulo ko nung biglang may narinig akong mga yapak, yapak ng high heels.
"At sa wakas naman, nagpakita ka na."
Narinig ko siyang nagsalita.
"Rosella."
Mahinang salita ko, binitawan ko ang ulo at tumayo ng matuwid, galit ko siyang tiningnan.
"Buhay ka pa pala."
Salita ko.
"Huh. Oo, buhay ako, dahil hindi ako mamamatay hangga't hindi ka na-uuna."
Agad niyang kinuha ang aril niya at pinaputok ito ng tatlong beses, pumikit ako at iniwas ang sarili ko, maya-maya pa, walang balang tumama sa akin, binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang tatlong bala na nakalutang sa harapan ko, tinitigan ko ito bago ko ito inibagsak sa sahig. Huminga ng malalim si Rosella at sumigaw.
"MAGBABAYAD KAAAAAAAA!!!!!!!"
~~~~~
A.N.:
eeeeeeeeeeerrrrrng!!!!! Sorry! Cliffhanger na muna! :P
hindi ko alam kung kailan ang next update, eh kasi naman may biyahe ako bukas. Hihi...^___^
Kaya, stay tuned na muna.
And hey! As for today, #43 tayo sa Science Fiction!!! :D :D
Matsalam maaats mga kapamilya, kapuso, kapatid, kaibigan at kung anu-ano pa. XD
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...