Psychotic Rage Chapter I
"Micca—-Catherine!"
Kumatok si Samantha sa kwarto ko pero wala ako sa mood lumabas.
"Huie! Ano ka ba! Tanghali na oh! Gising na!!!"
Hindi ko parin siya sinagot, inaliw ko lang ang sarili ko at pinalutang ko ang ballpen na nasa ibabaw ng cabinet gamit ang isipan ko. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto kaya tinigil ko ang ginagawa ko at pinikit ko ang mga mata ko at nagpanggap na tulog.
Nakalimutan ko....may susi pala siya sa lahat ng mga kwarto.
"Pssst."
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama.
"Pambihira naman oh, palagi ka na lang bang magmumukmok diyan?"
Hindi ako sumagot.
"Alam kong hindi ka tulog. Harapin mo nga ako."
Napabuntong hininga ako. Bumangon ako at hinarap ko siya.
"Bakit ba?"
"Anong bakit? Pambihira. Micca Ella, hindi naman pwedeng ganyan ka nalang habang buhay. Kailangan mong kalimutan yun."
"Kalimutan? Eh ni hindi ko nga matandaan kung paano ko pinatay ang higit dalawang daang estudyante sa isang gabi, tapos ngayon kakalimutan ko? Anong kakalimutan ko?"
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Papunta na si Rachel dito. Kakatawag lang niya."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Alam ni Rachel?"
"Hindi....pa."
Tumayo ako sa kama at kumuha ako ng tuwalya, pumasok ako kaagad sa CR at naligo, iniwan kong naka-upo sa kama si Samantha.
[Rachel's POV]
Patungo na ako sa address na tinext sa akin ni Samantha. Ewan ko ba dito sa babaeng ito, during graduation practice bigla nalang naglalaho. Ano nanaman kayang kalokohan ang ginagawa niya.
Dala ko ang Impala ko. At hindi nagtagal, nakarating na ako sa address sa sinasabi niya.
Wala namang gate ang bahay, simple lang ito pero, maganda din. Nakasarado lahat ng bintana, lumapit ako sa porch at nakita ko ang doorbell kaya pinindot ito at tumunog.
"Sam, si Rachel ito."
Umatras ako nung nagbukas ang pinto.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Pamilyar siya...
siya...
siya...
siya...
siya...
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGH!!!!! MULTO!!!! MULTO!!!!!!!!!!!"
Sigaw ko habang tinutoro ko................si Micca Ella. Siya nga!!!
Nag-iba ang mukha niya pero.......siya yan!!!!
~~~~~
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGH!!!!! MULTO!!!! MULTO!!!!!!!!!!!"
Nagulat ako sa reaction ni Rachel. Galing ng greeting niya.
Deja Vu..
Ai oo, natandaan ko tuloy yung mga panahon na binubully pa ako at tinatawag na multo.
"Huie Rachel, pumasok ka nga rito!"
Lumingon ako nung biglang nagsalita si Samantha sa likod ko. Pumasok si Rachel pero agad niya akong iniwasan at tumago siya sa likod ni Samantha.
"Rachel, hindi yan multo..."
Salita ni Samantha.
...buhay si Micca Ella."
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Ciencia FicciónMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...