"HAPPY BIRTHDAY, CATHERINE!!!!"
Nagulat ako nung lumabas ako sa kwarto at maraming tao ang nasa sala, pati narin sa kusina at hapagkainan, nasa harapan ko si Samantha at Rachel na may dala-dalang skyblue na cake.
"Ano to?"
Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Nakalimutan mo na ba? Birthday mo kaya ngayon?"
Lumingon ako sa calendaryo namin...oo nga noh??? Natawa tuloy ako sa sarili ko, sa dami ng iniisip ko pati birthday ko tuloy, nakalimutan ko na. Napangiti ako, ngayon lang kaya ako nagkaroon ng ganitong klaseng birthday, na may maraming bisita.
"O, tara, kainan na!"
Aniya ni Rachel.
Ano ba yan, mas nauna pang natandaan ng mga kaibigan ko ang birthday ko kaysa sa akin. Haha! Tiningnan ko ang mga bisita namin na mga taga Sityo Kalapasan lang.
"Hi!"
Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Ingrid na nakatayo at nakangiti sa akin.
"Uh...hello."
Ngumiti din ako sa kanya.
"O, nagustuhan mo ba yung surprise namin, Cath? Si Samantha ang nagsabi sa amin na ngayon ang birthday mo kaya, ipinaghanda ka namin."
Tinuro niya yung mga pagkain na nakalapag sa mesa.
"Tsaka...ganito din kami sa Sityo Kalapasan, kapag may isang magbi-birthday, lahat kami magce-celebrate."
Dagdag niya.
"Salamat ha, sa totoo nga lang, nakalimutan ko na birthday ko ngayon, nauna pa ata sina Samantha at Rachel na matandaan ang birthday ko kaysa sa akin."
Natawa naman si Ingrid.
"Di nga?"
"Haha. Oo, eh ang dami ko kasing iniisip."
Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking balikat na para bang sinasabi sa akin na magiging okay din ang lahat.
"Magiging okay din ang lahat."
Sabi ko na eh.
"Kahit na ano pa ang nagawa mong pagkakamali sa nakaraan, kapag marunong kang kumalimot at magpatawad sa sarili mo, makakagawa ka ng magandang kinabukasan."
Napalingon ako sa kanya, at ngumiti siya sa akin at may inabot siya sa akin na platito na may lamang cake.
"Cake?"
Tiningnan ko yung cake na ini-abot niya sa akin, tapos tinanggap ko narin.
"S—salamat."
Umupo ako sa kawayan na upuan tapos sinumulan kong kainin yung cake, masarap naman siya. Nagpatuloy lang ako sa pagkain nung biglang lumapit si Samantha sa akin.
"Hey."
Lumingon ako sa kanya, umupo siya sa tabi ko.
"Surprise."
Nakangiti niyang sabi.
"Salamat, Sam ha."
"Sees, wala yun. Hali ka sa labas, may isang surpresa pa ako sayo."
Hindi na ako nakatanggi kasi hinila na niya ako palabas.
"Teka."
Medyo malayo-layo na sa bahay ang nilalakad namin ni Samantha, puno parin ako ng pagtataka habang naglalakad kami.
Saan ba kami pupunta?
Ano ang surpresa niya sa akin?
Dahil sa curiosity at excitement, nakalimutan ko na nagkaroon ako ng isang masamang panaginip kagabi, pero...hindi ko na muna yun iisipin, birthday ko naman ngayon, minsan lang ako mag-17, tsaka, naisip ko rin yung inadvice sa akin ni Ingrid.
"Andito na tayo!!!"
Tumigil kami sa paglalakad, nagtingin-tingin ako sa paligid, nasa tuktok na kami ng isang bundok, lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang buong Sityo Kalapasan, ang laki pala ng lugar na ito.
Teka nga, umakyat kami ng bundok ng hindi ko namamalayan? Paano nangyari yun? Tsaka ang ganda pa ng kalsada ha.
"Sam...anong ginagawa natin dito?"
Ngumiti siya ng malawak.
"Alam kong namimiss mo siya."
Siya????
Sinong siya???
Ginamit niya ang nguso niya sa pagturo sa likuran ko, napalingon din naman ako..
at...
at...
at...
"ROBIN?!"
~~~~~
Manang Auwnie's Note:
heto na ang UD....cliffhang na muna ha? Mwehehehehehehehehe...XD
Formal ko po na i-aannounce ko sa inyo na every Wednesday at Thursday na ang update ng istorya ko, nagkaroon kasi kami ng kasunduan ng Auntie ko na every Wednesday ko papaloadan ang broadband ko...hehehe...
Pero...dipende narin yun. Hahahahahaha!!!
Nakakagulat naman, umabot na sa 7.5k ang reads ng story na ito.......paulit-ulit ko na itong sinasabi...
THANK YOU. (^___^)
abangan ang Catherine Metriyanee Part II. hihihihihihi....
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...