1044h
M.A.N.:
Pagbigyan nalang kung koren ang B.G music ko ngayon....yan din kasi ang music sa first dance ko. WAHAHAHAHA!!! (lemelende se ether XD)
Bakit, lahat naman ng gumraduate ng highschool nakafirst dance ah?
Sino ba ang gumraduate ng highschool na hindi nakasali sa prom? XD
Proceed na nga! :D
~~~~~
Grabe yung sayawan. Ewan ko kung anong sumanib sa akin at bigla nalang akong naging wild sa dance floor. Haha. (Whaat!) Natigil lang ang disco nung may sumigaw na magpatunog ng slow music. Ayun, nagpatunog sila ng slow music, at talagang korean pa ah?
Haaay. Ang mga pilipino ngayon. Na-impluwensyahan na ng k-pop, kahit na walang naiintindihan sa lyrics eh, sumasabay pa. Eh hindi naman ako fan ng k-pop pero hindi ko rin ito hate. Hindi din naman pangit pakinggan ang mga music nila eh. The feeling is neutral (:P)
"Can I have this dance?"
Kinabahan ako nung inilahad ni Robin ang kamay niya.
"S--sige."
Tinanggap ko ang kamay niya. Lumakad kami ng konting hakbang tapos, inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa bewang ko, at inilagay ko rin ang kamay ko sa balikat niya, at nagsimula kaming sumayaw. Pumikit lang ako habang pinakikinggan ang music, hinayaan ko si Robin na siyang nagdadala ng sayaw na ito.
Pakiramdam ko nga nakalutang na kami sa moon, ang sarap pala ng feeling na crush mo ang first dance mo. Para kang nananaginip. Pero, kung panaginip man ito...sana hindi na ako magising.
At kung hindi ito panaginip, sana hindi nalang ito matapos.
"Micca Ella?"
Binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan ko si Robin.
"Bakit?"
"Kasi...."
Bigla siyang namula, pero hindi kami tumigil sa pagsasayaw, itinaas niya ang kamay ko at inikot ako. Tapos bumalik kami sa dati naming posisyon.
"Matagal ko na itong gustong aminin sayo."
"Ang ano?"
"Ang nararamdaman ko."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"May....may sakit ka?"
Nanlaki naman ang mata niya.
"Sakit? Wala ah! Sakit ka diyan."
"Eh, anong ibig mong sabihin na may nararamdaman ka?"
"May naramamdaman ako."
"Ano?"
"Nararamdaman para sayo."
Haa?! Anooo?! Whaaat?!?!?! Ang trip to?! May nararamdaman siya sa akin?!?!?!?! HAHAHAHAHA!!!
"Di nga?!"
Napatawa ako.
"Anong nakakatawa?"
"Ikaw. Iniimagine mo siguro na ako si Samantha noh? Pwes, gumising ka na! Multo itong kasayaw mo ngayon!"
"Hah. Pinakamagandang multo sa balat ng lupa."
"Inulit mo lang ang sinabi ni Aliah. Pero, impossible yan, si Samantha ang mahal mo di'ba?"
"Ah. Wala kasing nakaka-alam ng totoo. Hindi totoo yung relasyon namin ni Samantha. Pagpapanggap lang yun."
O____O
"Ano ka'mo?"
"Oo. Nagpapanggap lang kami."
"T--teka, si Samantha--"
"Eh, simula bata pa kami, bestfriends na kami, palagi kaming nandyan para sa isa't isa. Pumayag siya na magpanggap na girlfriend ko para sa isang pustahan."
"Hindi nasasaktan si Samantha?"
"Sabi niya hindi. Kahit na matagal na kaming magkasama, wala daw siyang feelings sa akin, except nung sinabi niya na, parang kapatid na niya ako. Yun lang yun."
Hindi ko tuloy alam kung magiging malungkot o masaya ako. Ano ba ito.
"So...Micca Ella, can you be my--"
"Okay, students!! Settle down dahil i-aanounce na natin ang magiging prom king and queen!!!"
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...