2058h
~~~~~
“Tuloooong!!!”
Kanina pa ako sumisigaw dito pero walang sumasagot. Haaay, malamang, wala naman talagang masyadong dumadaan dito. Pambihira naman oh.
Sinubukan kong tanggaling ang mga tali, pero masyado itong mahigpit, paano ba ito ginawa nina Kenson? Ang hirap naman nitong tanggaling. Aaargh! Napagod ako bigla at naramdaman ko ang pawis na dumaloy sa noo ko, malamang, wala naman kasing electric fan dito eh.
Yumuko lang ako at tinitigan ang tali ko, nanlaki naman ang mga mata ko ng bigla itong natanggal, agad naman akong tumakbo palabas ng classroom, sa pagmamadali ko dahil late na ako sa next subject, nakabangga ko pa tuloy yung principal namin.
“S—sorry po, Ma’am.”
Buti nalang at hindi masyadong malakas ang pagkabangga ko sa kanya, pero kinabahan parin ako, paano kapag magalit siya at isuspense ako? Pero sa mukha niya parang hindi naman siya galit, nagtataka lang ata.
“Hija, anong nangyari sayo? Bakit ka namumutla? Sino ba ang humahabol sa iyo?”
Napabuntong hininga ako sa isipan ko, buti nalang talaga at hindi siya galit, mabait naman pala itong principal namin na once in a blue moon lang magpakita.
“W—wala po, M-Ma’am. Late na kasi ako sa next subject ko.”
Tumango lang si Ma’am at agad namang lumakad palayo. Ako naman, nagpatuloy sa pagtakbo, medyo malayo pa ang next room ko eh. Sa katatakbo ko, hindi ko namalayan na lumagpas na pala ako ng konte. Napa-break naman ako ala motor, tapos nagmadaling pumasok sa room.
“Miss Collins, you are late.”
Yumuko ako at tinabunan ng buhok ko ang buong mukha ko, pero nakita ko ang pagngiti ni Kenson. Haaay, kung hindi lang talaga yan gangster at mataba, ba ako ang susuntok diyan. Pero huwag na, baka mas lalong magkagulo.
“Sit down.”
Sabi ng ni Sir. Agad akong umupo sa pwesto ko. Napabuntong hininga lang ako.
“Open your books to page 154.”
Hala. Ang mga aklat ko! Naiwan sa Room 12. Nakakahiya naman kapag tumayo ako at lumabas. Baka magalit pa si Sir.
“Aklat mo.”
Nagulat ako nung biglang tinapon ng isang kaklase kong babae ang mga aklat ko. Pinulot ko lang ang mga iyon sa sahig at nilagay sa mesa ko. Binuksan ko ang English book ko. Nagsimulang nagdiscuss si Sir pero hindi ko nasync lahat ng sinabi niya. Parang wala ata ako sa sarili ko ngayon. Haaay.
Matapos ang discussion, isinara ni Sir ang kanyang aklat.
“Okay class. May announcement ako sa inyo.”
Announcement??
"This March 25, you will have your Seniors' Prom."
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Ciencia FicciónMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...