CHAPTER XI

13.1K 459 8
                                    

04-07-15        1128h

~~~~~

{3 hours later...2 weeks before prom}

Umalis kaagad ako sa school pagkatapos ng lahat ng klase ko. Umiwas ako kina Samantha at Robin. Ayokong mapagtripan ulit, tama na yung sa school. Tama na. Sobra na. {record scratches} anong drama ba 'to?! O_o

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng bahay. Medyo malapit lang kasi ang bahay namin sa school kaya, lakad-lakad na din pag may time. Medyo umaambon ngayon kaya nakapayong ako habang nagbibitbit ng tatlo kong aklat tsaka ang hindi kalakihan kong bag.

        "BALIW!"

Napatalon ako ng may biglang sumigaw sa likuran ko, akala ko kung sino, kapitbahay lang pala namin na nagbibisikleta. Nahulog pa tuloy yung mga aklat pati yung payong ko, nabitawan ko.

        "Baliw, baliw, baliiw!!"

Nagpa-ikot-ikot siya sa isang punongkahoy na nakalinya sa tabi ng dinadaanan ko. Nakayuko lang ako habang patuloy siya sa pang-aasar sa akin, na-iinis na talaga ako sa batang ito, ang nanay ko ang baliw at hindi ako!!!

Lumingon ako sa kanya at biglang napalipad ang bisikleta niya at bumangga sa kahoy. Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko.

Telekinesis ko ba yun???

Agad kong pinulot ang mga aklat ko pati yung payong ko, unti-unti namang lumalakas ang buhos ng ulan kaya umalis ako kaagad sa kinataayuan ko at umuwi. Buti nalang at hindi grabe ang pagkabangga nung bata kaya nakatayo ito at naka-alis agad, nakita ko ang takot sa mata niya. Nagmabilis siyang nagpadyak ng bisikleta niya at lumayo sa akin.

Nako, kailangan ko palang mag-ingat, hindi ko naman ginamitan yun ng telekinesis pero biglaan nalang itong lumabas. Kailangan ko pa itong icontrol. Baka makasakit pa ako ng tao nito...

~~~~~

Haaay salamat at sa wakas nakarating na ako sa bahay. At wala pa namang tao dahil nasa trabaho pa ang stepmom ko, sina Rosella naman, ewan ko dun, baka naglalakwacha pa yun. Pero nakakapagtaka lang na may ibang sasakyan ang nakapark sa tapat ng bahay namin, hindi din naman yun sa kapitbahay.

Ah, baka bumili sila ng bagong sasakyan? Hindi ko lang iyon pinansin, binuksan ko na ang pintuan ng bahay namin.

        "Micca Ella."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa isang pamilyar na boses na narinig ko.

        "Robin?! Anong ginagawa mo dito?!"

Ngumiti siya sa akin.

        "Iimbitahan ka ulit...na maging date ko sa prom?"

Papasok na sana ako ng pinto para maka-iwas pero hinarangan niya ako.

        "Robin. Ayoko nga di'ba? Ayoko."

Ngumiti ulit siya.

        "Hindi ka makakapasok."

Talaga bang inaasar ako ng isang to. Gamitan ko kaya ng telekinesis, lalapit pa kaya to sa akin? Ai, huwag na, crush ko pa naman to. Lumakas na talaga ang buhos ng ulan, nabasa na ang sapatos ko.

        "Robin, bakit ako? Marami namang pwedeng pumalit kay Samantha ah? Bakit ako pa?"

        "I want to know you."

Whaat?! Anoo??? Gusto niya akong makilala??????

Lumingon ako at nakita ko ang isang sasakyan, akala ko sa stepmom ko na iyon, hindi pala. Kinabahan ako bigla. Baka darating siya at makita ni si Robin, baka pagalitan pa ako nun. Baka parusahan pa ako, hindi b naman yun pumapayag na may lalaking tumatapak sa bahay niya.

        "Umalis ka na, baka darating pa si Tita."

Tita lang ang tawag ko sa kanya, ayaw niyang tawagin ko siyang mommy kasi hindi naman daw niya ako anak, at lalong siya ang nag-insist na hindi na palitan ang apilyedo ko.

        "Micca Ella, hindi ako aalis dito hangga't hindi ka sasagot ng oo."

UUUURGH!!! Ipagtulakan ko kaya ito palabas.

        "Robin. Umalis ka na, ayoko nga!"

Ngumiti siya.

        "Eh di, hindi ako aalis."

        "Robin, ano ba?!"

        "Umoo ka na kasi!"

        "Ayoko nga!!!"

Kinabahan ako ng may dumaan ulit na isang sasakyan. Hindi parin si Tita yun.

        "FINE! Umalis ka na!!!"

~~~~~

A.N.

Hala, medyo napahaba-haba itong chapter na ito ah, eh number of words bracket ko lang naman eh, {300-500 words} XDDDD

Anyways, thanks sa 100+ reads!!!!! :)

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon