Psychotic Rage Chapter VI
"Anak, may sasabihin sayo si Daddy..."
Napabangon ako bigla at nagising. Napanaginipan ko naman ngayon si Dad, ano kaya ang sasabihin niya sa akin, hindi ko na kasi natuloy ang panaginip ko.
Umalis ako ng kama tapos pumunta ako sa kusina at uminom ako ng tubig, tapos umupo ako sa mesa.
Alas 3 pa ng madaling araw, tahimik ang paligid at tanging mga crickets lang ang naririnig ko. Natandaan ko pa yung nangyari kahapon.
[Flashback]
"Robin."
Umatras ako at kumawala sa halik niya.
"Sorry."
Salita niya, umiling ako.
"K-kasi."
"Naintindihan ko na kailangan mo ng oras, pero, maghihintay ako."
Ngumiti siya at hinawakan niya ulit ang pisngi ko.
"S-salamat."
Yun lang ang naisagot ko sa kanya.
~~~~~
May nararamdaman ako para kay Robin, pero....hindi ko alam, natatakot ako, ewan ko ba, parang...parang naisip ko na...
Napabuntong hininga ako, at bumalik sa isipan ko ang panaginip ko kanina. Bakit ba kasi hindi sabihin ni Dad ang sasabihin niya sa akin?
Umiling ako, matutulog na nga lang ako ulit.
~~~~~
Umaga na ng ako'y magising, as usual, bumangon ako sa higaan ko, pumunta ako sa kusina tapos nag-init ng mainon na tubig, tapos naghilamos narin ako ng mukha.
"Morning!" Nagulat ako nung biglang bumati si Samantha na kakapasok lang. Aga nito ah?
"Oh, ba't ang aga mo?" Tanong ko, pinatay ko yung gasul dahil kumulo na ang tubig.
"Wala lang, eh may balita nanaman kasi eh kagabi eh." Sagot niya, napalingon naman ako sa kanya.
"Anong balita?" Tanong ko ulit.
"Ayun, may sunog nanaman, tapos ito." Lumapit siya at ipinakita niya ang kanyang cellphone. Tiningan ko iyon at may video na nagplay.
"Micca Ella Collins, kung gusto mong tumigil ako sa ginagawa ko...magpakita ka sa akin! Sa lugar kung saan mo ako pinatay! Kung hindi, humanda ka." Ginamit niya ang tk niya at sinunog niya yung isang malaking building.
Napabuntong hininga ako. Ano ba kasi ang kailangan ni Rosella sa akin? Bakit niya ito ginagawa? Kailangan ba talaga niyang mandamay ng ibang tao para lang makuha niya ang gusto niya?
"Sam, pwede bang tulungan mo akong mag-impake?" Tiningnan ako ni Samantha na may pagtataka.
"Babalik ako ng Maynila, tatapusin ko na ito."
~~~~~
A.N.
Haay nako, grabe! Sa wakas nakakapag-update narin!
At yung hiling linya ni Micca Ella?Oo, malpit nang natapos ang kwentong ito...mwehehe...XD
English story ang susunod kong gagawin kaya naghahanda na ako ng mga balde, baka sakaling magka-nosebleed eh, delikado na. :P
Sige, out na muna ako, tsaka pagpasensyaan na kung may typo errors jan, eh nasa CP lang ako ngayon.
Hihi, Stay Tuned!! Byee!!!
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Ciencia FicciónMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...