04-06-15 2032h
~~~~~
Ano?! Ako?! Magiging date ni Robin sa prom?!?!?!
No. Gising Micca Ella, gising!!! Hallucinations lang ito!!!
Pumikit ako at binuksan ko ulit ang mga mata ko. Andyan parin si Robin...nakatingin sa akin at tila nagtataka.
"P--paano si Samantha? Di'ba girlfriend mo siya?"
Ngumiti naman siya. Parang gusto ko atang matunaw. Yang ngiting iyan, para siyang anghel na ipinadala sa lupa.
"Kakausapin ko siya."
Sagot niya. Nako, kapag hindi pumayag si Samantha at magalit yun sa akin?! Oh nooo. Bestfriends pa naman sila ni Rosella. For sure, may gagawin nanaman sa akin ang bruha kong stepsister. No. No. No.
"Hi--hindi pwede. Ayoko."
Tumayo ako at iniwan ko si Robin na naka-upo sa kinakainan namin kanina. Agad akong lumabas ng canteen, swerte naman dahil nakaleave ang teacher namin sa next subject at wala pa yung sub, pumunta muna ako ng library. Ang lugar kung saan hindi pumupunta sina Robin.
Iiwas na muna ako.
~~~~~
[Robin's POV]
Ha. Sabi ko na nga ba hindi siya papayag.
Natatakot siguro siya sa kung ano ang gagawin ni Samantha at nina Rosella sa kanya.
"Bi, andyan ka lang pala, kanina pa kita tinitext, hindi ka nagrereply."
Nagulat ako kung sino yung nagsalita, si Samantha pala.
"Ah, sorry Sam, hindi ko napansin, nakasilent kasi ang phone ko."
Umupo siya at nakangiti siya sa akin. Yung tingin na alam niyang may tinatago ako.
"Alam kong kinausap mo si Micca Ella kanina."
Updated talaga itong girlfriend ko.
"Ano ka ba, okay lang sa akin na siya ang maging date mo, hindi din naman ako makakapunta ng prom natin dahil alam mo naman na pupunta kami ni Dad sa Cebu para sa isang photoshoot."
Model kasi si Samantha sa isang magazine eh.
"Pero...ang hindi ko mapapayagan...ay ang magsolo ka sa prom."
Tumayo siya, kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng canteen.
"T--teka, Sam, saan tayo pupunta?"
"Basta."
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa library.
"Andito si Micca Ella. Kakausapin natin siya."
Na-unang pumasok si Samantha sa library. Hindi na ako pumasok. Eh, may history kasi kami nung librarian.
Hindi yang history na iniisip niyo ha!
{Author: dirty minded oh!!! :P}
May kalokohan kaming ginawa sa library ng mga barkada ko noon, basta, mahabang kwento. Nakatayo lang ako sa entrance ng library.
Maya-maya pa, lumabas si Samantha at kasama na niya si Micca Ella, nakita ko naman ang gulat sa mukha niya.
"Mic, I'm not like them, minsan nga lang sinusupladahan kita but, wala ka namang ginagawang kasalanan eh. At, isa pa, walang kadate si Robin sa prom dahil pupunta ako ng Cebu, kaya, pwedeng ikaw na muna ang maging date niya...please?"
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Ficção CientíficaMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...