2205h <---Time published. (any questions?? xD)
A.N.:
play niyo lang yang song...kung nagtataka kayo kung bakit ito ang nilagay ko bilang "B.G.Music"....eeh, wala lang, yan kasi ang pinakikinggan ko habang nag-ta-type...hihihihihi...
TBH, hindi pa ako nakakakita ng kahit anong movie ng Fast And Furious (sorry, fans! XD). At yes, intiresado akong manood. Maghahanap na ako ng DVD's. Hehe.
ALL RIGHTS BELONG TO THE OWNER!!! :)
Walang konek ito sa UD. hehehehe.......
~~~~~
"Sinong nagbasag ng vase ko?!?!?!?!?!"
Walang nagsalita sa amin. Pati yung mga kaklase ko natahimik rin.
"Rosella?!"
"Hindi po ako, Ma'am."
"Eh sino? Ikaw ang pinakamalapit diyan."
"Hindi po siya ang nakabasag."
Salita ni Rachel.
"Miss Cruz. Siya lang naman ang pinakamalapit eh, tanungin nalang kaya natin ang mga classmates ninyo? Class?"
Lumingon si Ma'am sa mga kaklase ko, tumayo naman si Aliah.
"Ma'am! Wala po sa kanila ang nakabasag. Nag-uusap lang sila, tapos. Bigla nalang po yang nabasag."
"Anong sinasabi mo? Multo ang bumasag nito? O kaya...nagkaroon ng himala?!"
Himala??? Hmmm. Try TELEKINESIS. =__=
~~~~~
Buti nalang at natapos na ang klase namin. At mas mabuti nalang at nailigtas kami ni Aliah sa terror ni Ma'am kanina. Haaaaaaay.
Pero, hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari sa vase kanina. Bigla siyang nagcrack. Hindi ko naman yun ginamitan ng telekinesis. Well, except doon sa nabasag na part. Pero yung crack. Wala talaga akong kasalanan doon. Pramis. Mamatay man ako ngayon. Kahit hindi na ako umabot ng prom bukas.
Naghinala tuloy ako na may iba pang merong telekinesis bukod sa akin. Pero kung totoong meron nga........
Sino kaya yun????
~~~~~
[Robin's POV]
"Uie! Micca!"
Palabas na ng school si Micca Ella. Eh tapos na din naman ang klase namin. Tumatakbo ako habang tinatawag ko siya. Mabuti nalang at narinig niya ako at lumingon siya sa akin.
"R--Robin. Bakit?"
"Wala lang. Eh, bukas nga pala. Hehe. Susunduin kita ha?"
Namula naman siya.
"H--ha? Hu--huwag na noh. Kaya ko naman."
"Pssh. Huwag mong sabihin na sasakay ka ng taxi patungo dito at maglalakad ka patungon grand hall? Nako. Hindi ako papayag niyan."
"Robin!"
Kinamot ko ang ulo ko.
"Eeeh. Huwag ka nang magprotesta diyan."
"S--sige na nga!"
"Yes! 5pm ha!"
"Oo na. Sige. Uwi na ako."
Tumalikod siya tapos nagpatuloy sa paglalakad.
~~~~~
Naglalakad ako at malapit na akong makarating ng bahay ng nakita ko ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Nilapitan ko ito at tiningnan ang plate number. Pataay.
Kay Robin ito.
Oo. Memorized ko na ang plate number ng sasakyan niya. Lumingon ako sa pinto ng bahay namin at nakita ko si Robin na naka-upo sa porch. Ngumiti siya at nagwave pa ng kanang kamay.
"Anong ginagawa mo dito? Bukas pa ang prom ah?"
Biro kong sabi sa kanya.
"Wala lang. Gusto lang kitang makita. Mas lalo ka na kasing gumanda ngayon, lalo na at may style na yang buhok mo, side bang ka na, at hindi na natatabunan ng eyeglass mo ang mga magaganda mong mata."
Binigyan ko siya ng pagtatakang tingin.
"Okay ka lang?"
"Hmm. Okay lang naman?"
May pumasok tuloy na tanong sa isipan ko.
"Robin. Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Bakit kayo naghiwalay ni Samantha?"
At bakit ngayon ko lang yun natandaan?
{kasalanan ni Author!!! :P at ohw....WARNING!!! Lumagpas na ako ng 500 words!!! XD}
"You want the truth?"
Seryoso niyang sabi.
Unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa kaba ko, napapikit ako. Nagulat nalang ako at bigla niya akong hinalikan. Mabilis lang ang pangyayari, pagkatapos nun, tumakbo siya at umalis.
Ano yuun??
~~~~~
A.N. again :P
HUUUMAAAYGAAAD!!!!
2k+ reads?!?!?!?!?!?!?!
di nga?! :P
Anyways......MARAMING SALAMAT....ONCE AGAIN!!! HAHAHAHA!!! lol.
Abangan ang next update!!!
Bukas o makalawa. ^__^
Goodnight guuys!! :D
~UNKNOWNnimousXD
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...