CHAPTER XXVI

9.2K 317 13
                                    

04-16-15        2033h

~~~~~

{11 hours before prom...}

Konti na laaang......

*snip*

Napahiga ako sa kama......

Sa wakas!! Tapos na ang gown ko. Pheew.

~~~~~

[Rosella's POV]

        "I have a plan."

        "Rosella ha?! Ano nanamang kalokohan ang gagawin mo?!"

Sagot ni Rachel sa akin sa kabilang linya, inilayo ko ang tenga ko sa phone ko.

        "Ang lakas ng boses mo ha! Hinaan mo nga yan."

        "Whatever! Ano ba kasi ang plano mo?!"

        "Basta. Malalaman mo mamaya."

Binaba ko yung phone.

        "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

(evil laugh ba yun?? :P)

Humanda ka Micca Ella. Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa ina ko.

[Flashback...]

        "Mama! Papa! Tama na po!!!"

Pinapanood ko lang ang mga magulang ko na nag-aaway.

        "Hindi ako papayag na ampunin mo yang anak ng kabit mo!!!"

        "Ano ka ba, Rosa?! Matagal na yun! Hindi pa pwedeng kalimutan nalang natin yun?!"

        "Kalimutan?! Kalimutan ng ganun lang?!?!"

        "OO!"

        "Papa!!"

        "Tumahimik ka!"

Tinulak niya ako palayo at natumba ako.

        "Rosella!"

[End of Flashback...]

Nang dahil sayo, lumayo ang loob ni papa sa akin...

~~~~~

[3rd Person's POV, FLASHBACK]

{TEKA NGA!!! Sino ba ang 3rd person?!?! O___o....aii. Nakalimutan ko. si NOBODY pala. :P}

        "Ano ba ang gusto mong gawin ko?!"

Sigaw ng ama ni Rosella.

        "Huwag mong ampunin ang anak ng kabit mo. Yan ang gawin mo!"

Galit na sagot ng asawa niya.

        "Bakit?!"

        "Dahil iyan ang gusto ko!!!"

Napasigaw sa fraustration si George.

        "Ginagawa ko naman lahat ng gusto mo, Rosa!!! Pero pwede ba?! Pwede bang kahit ngayon lang, ang gusto ko naman ang suportahan ninyo?!"

Hindi sumagot si Rosa. Nakacross arms lang siya at nakatayo sa harap ng asawa niya.

        "Iba nalang ang gustohin mo. Huwag lang yan. Please, parang binabalik mo lang ang kasalanan na ginawa mo dati."

Napapikit si George.

        "Rosa. Hindi ko siya anak. At lalo nang. Bata iyan. Wala yang kasalanan. At hindi yan dapat madamay sa kasalanan naming dalawa ni Maria noon."

        "Bakit? Bakit mo ito ginagawa?"

        "Dahil...dahil...hindi ka ba naaawa sa bata? Baliw ang ina niya. Dinala na namin siya sa mental hospital. Mag-isa nalang ang bata. Kawawa naman."

Napabuntong hininga naman si Rosa.

        "Sige. Kung yan ang gusto mo. Pero sa isang kondition."

        "Kahit ano."

        "Hindi gagamitin ng batang iyan ang apilyedo mo."

Tumango si George.

        "Yan lang pala. Sige."

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon