A.N.
ok!! last update for the day....1130h ang expiration ng load eh. XD
~~~~~
1128h
~~~~~
19-19?!
Haaaaa!!! Isang puntos nalang...isa sa amin ang matatalo.....nako po. Huwag naman sanang kami. Huwag naman, Lord, San Pedro, San Juan, Ave Maria, mga anghel at santos sa langit....
KAYO NA ANG BAHALA SA KALULUWA KO. (huuh?! :P)
"Rosella, serve!"
At si Rosella pa talaga ang magse-serve?! Wala na...talo na kami neto.
Isinerve na ni Rosella ang shuttlecock at papunta ito kay Robin, agad naman itong nasalo ni Robin pabalik sa pwesto ng kalaban, papunta kay Rachel ang shuttlecock, inihampas niya ito papunta sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ko. Eeeh. Hinampas ko naman ito pabalik kay Rosella, tinitigan ko ang shuttlecock at pumikit ako.
"SCORE!"
Nagulat ako ng biglang nagsigawan sina Amy at Chris, napanganga naman ang iba kong mga kaklase.
"YES! Panalo tayo!"
Iniabot ni Robin ang kanyang bukas palad na kamay. Nag-apir kaming dalawa, agad tumakbo sina Amy at Chris patungo sa amin.
"Wow. Hindi namin akalain na matatalo niyo sina Rosella. At aba, ang baliw pa natin ang nakatalo ah!"
"Amy, hindi nga siya ang baliw."
Sagot ni Robin sa kanya. Nagsilapitan din ang ibang naming kaklase.
"Ang galing niyo!"
Sabi ng isa kong kaklase.
"Okay, may plus 10 points sina Micca Ella at Robin ngayong finals! Next players, up!"
Sigaw ni Ma'am habang ipinalakpak niya ang kanyang kamay.
"Hah. Magaling ka pala sa badminton, Micca Ella?"
Nagulat ako ng biglang lumapit si Samantha sa akin, nahiya tuloy ako.
"H--hindi naman masyado."
Salita ko habang nakayuko.
"Aysuuus! Heads up."
Inangat ko ang ulo ko at tumingin ako sa kanya, lumingon din ako sa mga kaklase ko at lahat sila namangha sa akin. At ngayon ko lang ito na-experience.
"Ikaw na bagong idol ko, Micca Ella! WOOOH!!!"
Nagulat ako nung biglang lumapit sa akin si Kenson. Patai.
"Otograp naman diyan!"
Biro niya, nagtawanan naman ang iba naming kaklase, napangiti din ako at pinigilan ko lang ang tawa ko.
"Sorry nga pala nung, nakaraang linggo. Di baleh, babawi ako, kapag may nangbully sayo ulit, ipapabugbog ko sa mga tropa ko."
Para naman akong naflatter sa sinabi niya. Dahil lang sa nanalo ako sa badminton game?
"Pero...hihingi ako ng favor. Paturo naman diyan!"
"Oo nga! Paturo naman!"
Mas lalong lumapit ang mga kaklase ko sa akin. Para akong artista na dinagsa ng mga fans. Ano ba ito.
"Guys, teka lang."
Itinaas ni Samantha ang kanyang dalawang kamay.
"Magbe-break na muna kami ni Micca Ella. Kakalaro lang nung tao oh."
Lumingon ako kay Samantha at nanlaki ang mga mata ko.
"Water break tayo?"
Lumingon siya sa akin.
"S---sige?"
"Bi! Sama ka na sa amin?"
"Sure."
Pumunta kami nina Samantha at Robin patungo sa canteen.
Haay. Kung alam ko lang sana na dahil lang sa natalo ko ang pinakamagaling na manlalaro ng badminton para tigilan na nila ang pambubully sa akin, eh di sana matagal ko nang ginawa. :P
But then...nakonsensya ako ng konti.....I used my telekinesis back there...
I cheated.
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Ficção CientíficaMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...
