Written: 04-17-2015 2214h Published: 04-19-2015 1911h
M.A.N.:
Ito na ang pinakamahabang chapter sa kwentong ito. XD
~~~~~
{Take Me To Church by Hoxier plays}
Isang buwan ang lumipas...
Binuksan niya ang kanyang mga mata, isang umaga ang sumalubong sa kanya. Pumasok siya sa CR at naghilamos siya ng kanyang mukha, kumuha siya ng tuwalya, naghubad ng damit pagkatapos ay inandar niya ang shower. Pumikit siya habang binabasa siya ng shower, kasabay nun ang mga flashback sa nangyari noong Senior's Prom...binuksan niya ang kanyang mga mata at napabuntong hininga.
Lumabas siya ng CR na naka-robe, pinahid niya ng tuwalya ang kanyang buhok, pagkatapos ay sinuklayan niya ito, tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin na may lungkot sa mga mata, ang dati niyang mahabang buhok, ngayon ay hanggang leeg na, pero walang pinagbago ang kanyang side bangs, kinuha niya yung isang maliit na box at binuksan niya ito, inilagay niya sa kanyang mata ang contact lens niya.
Nagbihis siya ng damit at lumabas siya ng kwarto, bumaba siya patungo sa dining room at doon nakasalubong niya ang isang babae na may kulot at mahabang buhok.
"Ohw. Gising ka na pala. Kain na."
"Salamat Samantha ha, kahit alam mong marami akong kasalanan, tinulungan mo parin ako."
Ngumiti si Samantha sa kanya.
"Wala yun Mi...sorry nakalimutan ko, Catherine ka na pala ngayon."
Ngumiti siya.
[Flashback...1 month ago...]
"Samantha?"
"Hali ka na. Kailangan na nating umalis sa lugar na ito.."
"B—-bakit?"
"Pinaghahanap ka na ng mga pulis..."
~~~~~
Umupo siya at may nakalapag na na pagkain sa mesa, kumain siya pero nakatingin siya sa kawalan, binbalik tanaw ang nangyari sa nakaraan...
[Flashback...]
"Kasalukuyan nang pinaghahanap ang tinatawag nilang si 'Carrie White' matapos ang nangyari sa Seniors' Prom ng isang private high school."
"Opo. Micca Ella Collins ang pangalan niya, pero, para siyang si Carrie White, nagsibagsakan ang mga bakal, tapos, yung isa pa naming kaklase na si Rosella Williams, tinapunan niya ng nasusunog na mesa, tapos, yung chandelier, naibagsak niya, hindi nga namin alam kung paano niya nagawa iyun."
"Pinaghahanap na nila ako?"
"Oo, Micca Ella. Wanted ka na ngayon."
Napabuntong hininga siya at napapikit siya.
"Kaunting kaalaman, alam niyo ba na ang kakayahan ng tinagurian natin ngayong 'Carrie White' ay tinatawag na 'psychokinesis' o mas kilala sa tawag na 'telekinesis?' Ito ang kakayahan na magpagalaw ng kahit anong bagay, gamit lamang ang isipan. Ang sabi ng sciensya, ang telekinesis ay base sa consentrasyon at emosyon, ang kakayahang ito ay, bloodline, o namamana ng mga anak sa magulang na meron din ganitong kakayahan, ito po si Kuya Kim, nagsasabing mag-aral ng maigi, para buhay ay bumuti."
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...