1139h
~~~~~
"Robin, ano nga ulit yung tanong mo?"
"Ah, ha?? Ah...eh, wala, hindi na baleh, next time nalang yun. Hehe."
Naka-upo na kami ngayon at naghihintay ng announcement, nagbubulungan pa yung mga teachers, hindi namin namalayan na pinagmamasdan nila kami kanina habang sumasayaw, tapos, ililista nila yung nagustuhan nilang "couple." Hanuubayan.
Bigla namang dumaan si Rosella sa harap ko, kinindatan niya ako sabay alis, tiningnan ko lang siya habang pabalik siya sa upuan niya.
"And the candidates are...
Rosella Williams and John Eric Hales
Aliah Camperon and Kenson Diaz
Napasigaw ng mahina si Aliah at agad na tumayo.
"Ikaw susunod!"
Tinuro niya ako pagkatapos nun umakyat silang dalawa ni Kenson sa may stage.
Micca Ella Collins and Robin Singers
Nanlaki ang mga mata ko nung narinig ko ang pangalan ko, ano?! Candidate kami?!?! No waaay!!!
"Hali ka na."
Nakatayo na si Robin sa harap ko at inilahad niya ang kamay niya.
"Sigurado ka?"
"Ano ka ba, huwag ka nang mahiya, ang ganda ganda mo, tapos--"
"Maganda ka diyan."
Tumayo ako at tinanggap ko ang kamay niya at umakyat kami sa stage.
Limang canditate ang pipiliin at hindi ko na kilala pang-apat, ibang section kasi yun eh.
Rachel Cruz and James Nacho.
Pagkatapos na na-announce ang mga pangalan, nakatayo lang kami sa harapan ng stage. Nakatingin ako sa ibang mga estudyante na nagpalakpakan at ang iba nagbubulungan, tapos may paturo-turo pa sa likod.
Nakakawala naman ito ng hininga.
Isang minuto ang lumipas, bumalik ang host namin sa harapan, nagdadala siya ng isang maliit na piraso ng papel at tsaka microphone as usual. Humarap siya sa lahat ng estudyante. I-aannounce na niya ang desisyon ng mga guro namin. Kung sino ang magiging prom king and queen.
"At ang napiling king and queen ay walang iba kung di sina--"
Lord...huwag po. Di baleh nang hindi maging prom queen, si Aliah po sana ang manalo. Pleeease po. Ayoko na poo...hindi ko kaya ito.
Hindi kami ang mananalo. Hindi kami. Hindi kami. Hindi kami.
"Micca Ella Collins and Robin Singers."
Nganga.
"Tayong panalo oh."
Lumingon ako kay Robin at nagpakita ako ng nervous-expression.
"Eeeeh."
"Hay nako Micca Ella, huwag ka nang mahiya. Sila and dapat mahiya sa reyna."
"Ewan ko sayo."
Lumakad kaming dalawa patungo sa harapan ng stage, may dalawang estudyante na umakyat ang stage, dala-dala ang sash at ang korona. Nakakahiya naman ito oh.
Pero nung papalapit kami, biglang nangyari ang hindi inaasahan.
Bigla akong natapilok at bumagsak sa sahig.
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Научная фантастикаMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...