2118h
~~~~~
{HUMANDA NA SA PLOT TWIST NI MANANG AUWNIE!!! *EVIL LAUGH with thunder sound effect* :P}
~~~~~
[15 years ago...]
"Mr. Clarence Williams. I find you without reasonable doubt, guilty of committing crimes such as Marital Rape, and Attempted Murder."
~~~~~
"Walang hiya ka! Bakit mo yun ginawa kay Maria?!"
Hinawakan ng mahigpit ni George ang collar ng damit ni Clarence at galit na galit niya itong tiningnan sa mata.
"Kuya. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya yun! Nalasing ako!"
Sinuntok ni George ang mukha ni Clarence.
"Sir! Tama na po!"
Pinigilan siya ng isang pulis ng magtangka siyang suntukin ulit ang kapatid niya.
"Traydor ka!!! Anong klase kang kapatid?!?!?!"
Biglang pumutok ang isang ilaw pagsigaw ni George habang inilayo sa kanya si Clarence. Lumingon siya at nakita niya si Maria na palabas na ng trial room, agad siyang lumapit patungo sa kanya.
"Maria."
Hinawakan ni George ang kamay ni Maria. Nagulat si Maria at tila natakot siya kay George.
"Bitawan mo ako."
Kinabahan ng bigla si Maria.
"Mrs. Collins, tara na po?"
Agad umatras si Maria at iniwas ang kanyang tingin kay George at agad na umalis kasama nung abogado niya.
~~~~~
Dalawang buwan na ang lumipas pagkatapos ng trial...isang gabi, sa madilim at walang katao-taong daan, naglalakad si George ng biglang may napansin siyang kakaiba. Naramdaman niyang may sumusunod sa kanya.
"Alam kong andyan ka. Lumabas ka!"
"Kuya."
Napahangos si George at lumingon siya sa likod niya. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Clarence.
"Anong ginagawa mo dito?! Paano ka nakatakas?!"
Pag-alalang tanong ni George.
"Kuya. Nakalimutan mo na ba ang kakayahan ng utak natin?"
Napakamot si George sa ulo niya.
"Bakit mo ginawa yun?! Di ba kabilin bilinan sa atin ni Inay na hindi natin pwedeng gamitin ang kakayahan natin?"
"Kailangan kong gawin yun, lalo na nung nalaman ko na buntis si Maria."
Nagulat naman si George sa kanyang narinig at napa-atras siya ng isang hakbang.
"ANO?!"
"Kuya, Magkaka-anak na kami."
"Oo. Pero hindi yun dahilan para tumakas ka sa kulungan. Clarence. Inuutusan kita bilang nakakatandang kapatid mo. Bumalik ka sa kulungan."
"Ayoko."
"Bumalik ka sabi."
"Patawad kuya. Pero kailangan kong gawin ito."
Gamit ang kakayahan ni Clarence, lumutang ang isang bakal sa tabi ng daan at bigla itong napunta sa kamay niya. Napa-iling naman si George.
"Patawarin mo rin ako sa gagawin ko."
*BAAANG*
Gamit ang kakayahan ni George, hindi napansin ni Clarence na may baril pala sa likuran niya. Tinamaan ang ulo niya na agad naman niyang ikinamatay. Napayuko si George at napaluhod sa harap ng bangkay ng kapatid niya.
~~~~~
Palihim na inilibing ni George si Clarence sa isang malayong lugar. {Author: hindi rin niya sinabi sa akin kung saan :P} Pagkatapos niyang ilibing ang kapatid niya, tumayo siya sa harap nito.
"Clarence. Pangako ko sayo ito. Hahanap ako ng paraan para maalagaan ang anak mo."
Umuwi si George sa bahay nila at doon sinalubong siya ng kanyang asawa na si Rosa na walang kaalam alam tungkol sa kaso ni Clarence, dahil inilihim ni George ang lahat ng tungkol dito sa asawa niya.
Isang isolated case ang nangyari kay Maria.
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...