CHAPTER XIII

12K 407 14
                                    

04-10-15        1142h

~~~~~

1 week before prom, 1 day before finals...

**

Malapit na ang finals namin at medyo todo review na kami, nakalimutan na nga nila ang excitement nila sa prom dahil sa finals. Eh winarningan na kami ng mga teachers na medyo mahirap ang questions sa exams kaya, heto, todo study na ako sa library, as usual naman mag-isa lang ako. Bukas na kasi ang finals at kailangan kong makapasa para naman magkaroon ako ng good grades at para maka-graduate narin ako.

        "Pwedeng maki-join?"

Inangat ko ang ulo para makita ko kung sino ang nagsalita. Si Sa---Samantha.

        "S--sige."

Umupo siya sa tapat ko at inilapag niya ang mga aklat sa mesa. Kinuha niya ang kanyang English book at binuksan niya ito.

        "So--"

Tumigil ako sa pagbabasa ng aklat ko at lumingon sa kanya.

        "Pumayag ka na na maging date ni Robin sa prom?"

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Nako po.

        "O--oo."

Ngumiti naman siya sa akin.

        "Ikaw na ang bahala sa kanya ha, habang wala ako. Huwag kayong magloloko.

Salita niya na may tono ng banta o, para bang...parental waring or something?

[Author: EH?!]

Napayuko ako.

        "Para naman hindi ka na babalik ha?"

Napatawa siya ng mahina.

        "Alam mo, nakikita kong iba ang tingin ni Robin sayo?"

        "Nawewierdohan siya sa akin?"

Napatawa ulit siya.

        "Hindi ganun...Mic, kasi--"

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!*

        "Nagbell na pala."

Kinuha ko ang mga aklat ko at tumayo, kinuha ko narin ang bag ko para umalis patungo sa next subject.

        "Sabay na tayo?"

Tumabi sa akin si Samantha.

        "S--sige."

Sabay na kaming naglakad ni Samantha patungo sa next room namin. As usual, pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante. Oh well, sino ba namang mag-aakala na magkakasabay ngayong araw ang dalawang pinakasikat sa campus. Ang queen bee at ang anak ng baliw! *bow*

At sa wakas naman nakarating na kami sa classroom. Pero, haay, ang mga kaklase namin, pinag-uusapan nanaman kami.

        "Huwag mo na silang pansinin."

Salita ni Samantha habang pinat niya ng mahina ang balikat ko, pumunta na siya sa kanyang inuupuan. Habang ako, ayun, umupo narin, pero may nagbo-bother sa akin...

Ano ang ibig sabihin ni Samantha?

Na iba ang tingin ni Robin sa akin???

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon