A.N.:
dahil sadyang BALIIW lang talaga ako...:P
~~~~~
Isang normal na araw lang ang May 22, 2015 sa akin, isang mainit at medyo mahangin ang araw, pero pakiramdam ko biglang bumagyo nung natanggap ko ang tawag ni Samantha na nabaril si Micca Ella...agad akong pumunta sa hospital...
Ngunit ang naabutan ko nalang...
Si Rachel at Samantha, naka-upo sa labas ng emergency room.
Sumugod ako sa loob ngunit parang lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ko sa nakita ko.
Flat line.
"Time of death; 3:45pm."
Tinabunan na nila ang katawan niya.
Hindi.
Hindi totoo to.
Robin. Nananaginip ka lang.
Gumising ka, hoy!
Hindi.
"Micca Ella."
Nilapitan ko siya, hinawakan ko ang kanyang malamig na kamay.
Napayuko ako at tumulo ang mga luha ko.
Wala na siya....
Wala na siya....
Wala na siya....
Pero bigla siyang bumangon at tinapon niya ang puting kumot at natabunan ang mukha ko.
"JOWK!!!!"
Sigaw niya.
"Akyat tayo sa bundok doon sa Sityo Kalapasan! O bakit ka nagdadrama diyan? Buhay ako ano ka ba? Baliw lang talaga tong author na ito para patayin ako. Tara na, hoi!"
~~~~~
Ako na talaga ang walangiya....
Okay, bye. :(
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Ciencia FicciónMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...