Psychotic Rage Chapter VII
"Patawarin mo rin ako sa gagawin ko."
*BAAANG*
*gaaaaaaaaasp*
"Huie! Okay ka lang?"
Napatingin ako kay Samantha, bakas ang pag-alala sa mukha niya habang nakatingin siya sa akin na naka-upo sa front sit, nakasakay na kami sa Impala ni Rachel pabalik ng Maynila, hiniram nanaman kasi ng Dad ni Sam ang sasakyan niya.
"Ahh, oo, okay lang."
Sagot ko, hindi naman masyadong totoo, ikaw kaya managinip ng may binaril sa harapan mo? O___o Eh medyo nakakalito lang kasi, hindi ko makita ang mga mukha nung bumaril at nung nabaril, tsaka, ewan ko, parang tk ata ang ginamit nung bumaril eh?
Haaay, sumasakit nanaman ang ulo ko. Pambihira.
Dalawang oras ang lumipas at sa wakas, nakabalik na ako ng Maynila, kitang kita ko na ang matataas na building...at as usual, balik polution nanaman. Haaaist.
Sinuot ko ang hood na skyblue na bigay sa akin ni Samantha tapos bumaba kami sa Impala ni Rachel, sa bahay na muna ni Rachel ako titira sapagkat wala ang parents niya. May guest room naman sina Rachel at doon niya ako pinatuloy, nilapag ko ang dala kong bag na may mga lamang mga damit sa sahig, tapos humiga ako sa kama, napagod din naman kasi ako sa biyahe, tapos sinabayan pa nung panaginip kong ewan. =____=
"Cath, diyan ka muna ha, magpapaluto lang ako ng tanghalian."
Sabi ni Rachel bago siya lumabas ng kwarto, tumango lang ako bilang sagot, tapos umalis na siya...hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ulit...
~~~~~
[3rd Person's POV O___o]
"Dad?!"
Nakatayo si Micca Ella sa gitna nina George at Clarence, naghalo ang pagtataka at pag-alala sa mukha niya.
"Kuya, magkaka-anak na kami!"
Lumingon si Micca Ella kay Clarence, anong ibig niyang sabihin na magkaka-anak sila? Sino ba siya? Tanong ni Micca Ella sa isipan niya.
"Dad! Ano ito?"
Tanong ni Micca Ella, subalit hindi siya sinagot ni George, ni-parang hindi siya nakikita nito.
"ANO?!"
Sumigaw si George.
"Magkaka-anak na kami ni Maria."
Nanlaki ang mga mata ni Micca Ella...tama ba yung narinig niya?! Maria?!
"Pagkatapos ng ginawa mo sa kanya?! Ngayon, tatakas ka pa ng kulungan?!"
Nagulat si Micca Ella sa narinig niya kay George...napa-atras siya at napahinga ng malalim.
"Siya ang ama ko?"
Tanong ni Micca Ella.
"Kuya...patawarin mo ako sa gagawin ko."
Ginamit ni Clarence ang kakayahan niya para mapunta ang isang bakal sa kanyang kamay, habang napa-iling si George, nagulat si Micca Ella sa nakita niya.
"Teka.....kuya?! Dad! Magkapatid kayo ng ama ko?! Dad!!!"
Hindi parin pinansin ni George si Micca Ella.
"Ano ba! Hindi niyo ba ako nakikita?!"
Sigaw niya ulit.
"Patawarin mo rin ako sa gagawin ko."
*BAAANG!*
Napanganga si Micca Ella sa nakita niya, binaril ng ama-amahan niya ang kanyang tunay na ama, para namang nawalan ng lakas ang mga paa niya at bumagsak siya sa lupa.
"Pinatay niya ang ama ko."
Salita niya sa sarili.
"Micca Ella...kapatid ko ang tunay mong ama at pinatay ko siya...nagmamahalan kaming dalawa ng ina mo noon, ngunit dahil kay Clarence nasira ang lahat...pinangako namin sa mga magulang namin na hindi na namin gagamitin ang mga kakayahan namin, ngunit ginamit ni Clarence ang kakayahan niya para manakit ng mga tao...
Andito ako ngayon para maki-usap sayo...pigilan mo ang anak kong si Rosella. Ayokong maging katulad siya ni Clarence. Paki-usap—-"
"AAAAAAAAAAAAAAGH!!!!!!!!!!"
Hindi natapos ang panaginip ni Micca Ella dahil bigla siyang nagising at biglang sumakit ang ulo niya.
"Micca Ella!"
Sumugod si Rachel sa kwarto ni Micca Ella nung narinig niya itong sumigaw.
"PINATAY MO ANG AMA KO!!!!!!! AAAAGH!!!!!"
Nakapikit na sumigaw si Micca Ella habang hinahawakan ng dalawang kamay niya ang ulo niya, napa-atras naman si Rachel nung nagsimulang gumalaw ang kama na hinihigaan ni Micca Ella, nagliparan ang mga kagamitan at pumutok ang ilaw.
Napahinga ng malalim si Micca Ella at napakalma, kinakabahan si Rachel habang lumalapit siya kay Micca Ella na nakatulala at nakatingin sa kawalan.
"Pinatay mo ang ama ko...pwes, papatayin ko rin ang anak mo."
~~~~~
A.N.:
Haaist! Sorry kung hindi na ako masyadong nakakapag-update...eh #BusyMay...alam niyo na, tapos mahaba pa ang pila sa cashier para sa enrollment namin. :P
But, anyways,
thank you for 11.9+ reads, 338 votes and 55 comments! :)
And as of TODAY, #71 tayo sa Science Fiction. ^___^
So...thank you, thank you, thank you!!! :D
Labs ko kayoooo!!!
oist, huwag masyadong tutok sa cp o pc ha! baka masira mata niyo diyan...hihihihihihi....
Godspeed!! :)
~RANDOMinded_XD
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Fiksi IlmiahMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...