1555h
~~~~~
{Tuesday noon...}
"So, anong kulay ng gown mo bukas?"
"Hm?"
Napatigil ako sa pagsipsip ng softdrink ko. Andito kasi ni Samantha ngayon sa McDo. Oo. Eh kasi naman itong si Samantha, hinila ako pagkatapos ng klase pagkatapos nun pinasakay niya ako sa sasakyan niya. Kinilabutan ba naman ako. Akala ko kung saan na niya ako dadalhin. Dito lang pala.
"S--skyblue. Bakit?"
Ngumiti siya.
"Your favorite color?"
"Oo."
"Parehas pala tayo?"
"Talaga? Eh ang napansin ko sa mga gamit mo, puro violet?"
She chuckled.
"Trip lang. So. Bilisan mong tapusin yang pagkain mo. May pupuntahan tayo."
"Ha? Saan?"
"Basta. Tapusin mo na yan!"
~~~~~
Pagkatapos kong kumain, hinila agad ako ni Samantha palabas.
"Huie teka. Samantha. Kakakain ko lang. Baka magka-appendicitis ako nito."
"Ok fine! Hindi na tayo magmamadali."
Hininaan niya ang paklalakad niya habang hinahawakan parin niya ang kamay ko. Maya-maya pa'y pumasok kami sa isang beauty parlor. Maraming tao sa loob ng parlor. May isa namang babae na lumapit sa amin. Hala. Anong gagawin namin dito??????
"Good afternoon, Miss Sam."
Bati nung isang parlorista. Koreana pa naman.
"Sam. Anong gagawin natin dito?"
"Umupo ka."
Pina-upo niya ako sa harap ng salamin, nilagyan ako ng tela nung parlorista.
"T--teka. Ano 'to?"
Tiningnan ko si Samantha na nagkibit ng balikat.
"Make over."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ha?"
"Make...over."
"Ha?"
"Make....paulit-ulit?"
Lumingon siya sa parlorista.
"Jamie, anong gagawin natin sa kanya?"
Tiningnan ako ni...Jamie, from head to toe, tapos tumingin siya ulit sa mukha ko.
"Uhhm...we could do a little threading, and yung hair niya. Masyadong dead straight."
Koreana ba ito? Bakit magaling siyang magsalita ng English at tagalog? Teka. Anong sabi niya......threading?!?!?! At ang buhok ko....dead straight??? Anong ibig sabihin nung dead straight?!
Pumasok siya sa isang pinto. Baka kukuha lang siya ng mga gamit.
"S--Sam. Bakit?"
"Because. Gusto ko...na maging maganda ka sa prom. Para mas lalong ma-T.O. sayo si Robin."
"T.O? As in....Turn Off?!"
Tumawa si Samantha.
"Turn On, darling."
Napalingon ako nung angbukas ang pinto at lumabas si Jamie.
"Ay, by the way, this is my personal beautician, Jamie. Dito ako pumupunta kapag gusto kong mag-makeover."
"Nice to meet you, Miss--"
Nakangiting bati ni Jamie.
"Aah. Micca. Ella."
"Micca Ella."
Nagbow siya ng onti. Kumuha ng isang magazine si Sam at umupo siya sa sofa. Ang galing. Parlor na may sofa. Sooosyaaal!!!! At talagang naka-upo pa siyang pina number 4 ah.
"Relax, Miss Micca Ella. Konting threading lang ang gagawin natin."
"Th---threading???"
"AAAAAAAAAAAAAGH!!!!!!---ARAAAY!!!!"
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Khoa học viễn tưởngMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...
