2058h
~~~~~
"Ano nanaman ba ang problema mo ha, Rosella?"
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ikaw. Ikaw ang problema ko. Hah. At may pa new look-new look ka pa diyan ha."
"Rosella. Layuan mo siya ha. Binabalaan kita."
Lumapit si Samantha sa amin.
"Hah. So...sa kanya ka na ngayon kumakampi, best? Huwag kang makialam dito. Away magkapatid to."
"Magkapatid? Really? At kailan mo pa sinabi na magkapatid kayo, ha?!"
"Huwag ka ngang maki-alam Samantha. Baka gusto mong ireveal ko sa buong klase ang nakaraan ng pamilya mo."
Nagtaka naman si Samantha.
"Oh, yes Sam. Alam ko ang lahat tungkol sa inyo. At kung ayaw mong malaman ng buong klase ang ginawa ng Dad mo dati--"
"Rosella!"
Napatigil siya ng sumigaw ako.
"Aba. At kailan mo pa ako sinigawan, ha?!"
"Ganyan ka ba talaga, ha? Mahilig manira ng tao?! Bakit? Ano ba talaga ang nagawa kong kasalanan sayo at ganyan kalaki ang galit mo sa akin?"
Sa unang pagkakataon, natingnan ko siya sa mata, galit kaming nagtitinginan sa isa't isa.
"Dahil dumating ka sa buhay namin. Masaya na sana kami eh, kung hindi ka lang dumating?"
"Kasalanan ko ba na inampon ako ng tatay mo?"
Hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sa akin at tila malalim ang galit na nararamdaman niya. Bakit ba siya ganyan? Ano ba talaga ang kasalanan ko sa kanya?
"How pathetic of you Rosella. Napakababaw naman ng rason mo."
Lumingon ako kay Samantha na naka-cross arms, lumingon din ako sa mga kaklase ko. Pero tila wala na silang paki. Eh maingay nga ang classroom ngayon at halos lahat ng estudyante dito, prom na ang pinag-uusapan, pero ang umagaw sa atensyon ko, yung flower vase sa mesa ng teacher namin na unti-unting nagcrack.
"Wala kang alam Samantha. Wala kang alam!!!"
Lumingon ulit ako kay Rosella.
"Rosella naman. Kailan ka ba titigil?"
Lumingon si Rosella sa akin.
"Hindi ako titigil."
Nasa likuran lang ni Rosella ang vase at nakita kong nagpatuloy ito sa pagcrack. Ang nakapagtataka lang........
Wala naman akong ginagawa. Hindi ako gumagamit ng telekinesis ko.
"Kasi. Isa kang baliw. Anak ka ng baliw."
"Rosella. Tama na."
Binigyan ko siya ng tingin na may dalang babala. Nagsimulang tumaas ang dugo ko.
"Anak ka ng baliw. At ayoko sayo! Kayong dalawa ng nanay mo!"
"Tama na sabi."
"At yung nanay mo....mabubulok siya sa mental!"
"SABING TAMA NA EH!"
*nabasag ang flower vase*
Naglingunan naman ang lahat ng kaklase ko sa amin. At timing pa na pumasok ang teacher namin.
"Anong nangyayari dito?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/36027968-288-k229943.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science-FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...