CHAPTER XXXV

7.4K 215 19
                                    

Written: 04-17-2015   2043h             Published: 04-19-2015 1900h

~~~~~

[NOBODY's POV]

            "Impossible!!! Paano ka nagkaroon ng telekinesis?!"

Sigaw ni Micca Ella habang naglalakad siya papalapit kay Rosella, si Rosella naglalakad din palapit kay Micca Ella, ang mga estudyante ay nakatulala lang na nakatingin sa kanila, takot silang magsalita. Baka sila pa ang pag-initan.

            "Hindi telekinesis ang kakayahan ko."

Sagot ni Rosella, with matching masamang tingin.

            "Ano?"

            "Psychokinesis."

Napanod si Micca Ella.

            "Anong pinagkaiba nun?"

            "Spelling. GAGA."

Gamit ang isipan ni Rosella, tinulak niya ulit si Micca Ella at tumilapon siya ulit. Natumba ang ang isang mesa na binagsakan ni Micca Ella, may kandilang nakasindi sa ibabaw ng mesa kaya biglang nagliyab ang tela.

Tiningnan ni Micca Ella ang nasusunog na mesa, iniangat niya ito gamit ang isipan niya at tinapon niya ito patungo kay Rosella, natabunan si Rosella nito, at nasunog ang kalahating bahagi ng stage.

Nagsimulang nagsigawan ang mga estudyante ng nakita nila ang apoy, nagsitakbuhan sila sa pinto at biglang nagkastampede. Nakatayo lang si Micca Ella sa harapan at may konting ngiti na labi niya, ngiting masama.

Biglang naglock ang lahat ng pinto at walang estudyanteng nakalabas.

Tumingin sa taas si Micca Ella at nakita niya ang malaking chandelier. Nagnod siya at gamit ang isipan niya, bumagsak ang cahndelier at nagliyab ang apoy sa harapan niya at bigla siyang napangiti. {evil smile. Imaginin niyo nalang....hehehehe. XD}

            "Micca Ella."

Lumingon si Micca Ella sa likuran niya at nakita niya sina Robin. Habang sina Rachel at James ay tumatakbo at iniwasan ang nasusunog na bahagi na kinabagsakan ng chandelier. Kabadong Robin ang humarap kay Micca Ella.

            "H—hindi ikaw yan, Micca Ella."

Hindi sumagot si Micca Ella, unti unti niyang inangat ang kamay niya, kinabahan parin si Robin ngunit napangiti siya habang hinawakan ni Micca Ella ang pisngi niya. Akala ni Robin bumalik na si Micca Ella sa kanyang sarili pero nagkamali siya. Bumitaw si Micca Ella at lumabas ulit ang masamang ngiti niya.

            "Hindi nga ako ito."

Tinulak ni Micca Ella si Robin gamit ang isipan niya at tumilapon si Robin sa bintana palabas ng Grand Hall.

Pinalutang ni Micca Ella ang mga basag na bahagi ng chandelier at ikinalat niya ito kung saan-saan, kumalat na ang apoy at lalo pang nagsigawan ang mga estudyante, nagsimulang naglakad si Micca Ella, at habang naglalakad siya, ipinaandar niya ang emergency sprinkler.

 Naglakad siya ng diretso habang nakaandar ang mga sprinkler, napatay ang apoy sa direksyon niya, gamit ang telekinesis niya, pinatabi niya lahat ang mga estudyante na natirang buhay sa stampede at nagpatuloy sa pagtulak ng pinto.

Konting wave lang ng kamay niya, nagbukas ang pintuan ng Grand Hall. Ngunit walang ni-isang estudyante ang nakalabas dahil ginamitan sila ng telekinesis at hindi sila makagalaw, may mga live wire na gumalaw at napunta ito sa tubig.

Diretso lang na lumabas si Micca Ella ng Grand Hall at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagsidatingan naman ang mga bombero at mga pulis sa paaralan.

~~~~~

M.A.N.

Nako. Pasensya na at medyo hindi magaling ang pagkadescribe ko sa pangyayari na ito. Malayo sa imagination ko. Hehehe.

Paano, hindi naman ako professional na author, estudyante pa nga lang ako eh. Heheheeee.


(pambihira...naninibago ako sa Watty ngayon...nawala lang ako ng isang araw eh, bagong bago na....XD)

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon