CHAPTER I

20.6K 640 40
                                    

1426h

~~~~~~~

            “Andito na siya!!!”

Nagulat ako nung biglang sumigaw ang isang estudyante. Naglalakad ako sa hallway ng school namin at nagtinginan silang lahat sa akin.

            “Nako, andito na ang anak ng baliw.”

Narinig ko namang nagtawanan ang ibang estudyante, ang iba naman, ako ang pinag-uusapan, napayuko lang ako habang binilisan ko ang paglalakad ko. Haay, ako lang naman ang PINAKASIKAT dito sa school namin. Napatalbog ko pa ang queen bee namin.

            “Baliw!”

Asar ng isang estudyante. May tumulong luha sa mata ko, apat na taon an ako dito at graduating na ako pero bakit hanggang ngayon hindi pa ako nasasanay? Tinanggal ko ang eyeglasses ko at pinahiran ko ang luha ko, hindi naman nila napansin iyon dahil nakayuko ako at natabunan ng mahaba kong buhok ang mukha ko. Minsan nga napagkalaman akong multo.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko para makaiwas ako sa mga estudyante na pinag-uusapan at pinagtatawanan ako. Room 12 pa naman first subject ko, medyo malayo pa.

Nung dumating na ako sa Room 12, agad kong binuksan ang pinto para makapasok, pero tumambag sa akin ang isa kong kaklase na nagdadala ng kahoy na krus at itinapat niya ito sa akin.

            “Lumayas ka multong anak ng baliw! Lumayas ka!!!”

Pang-aasar niya. Medyo naiinis na ako pero pinigilan ko lang ang nararamdaman ko.

            “Huie, Aliah, tumabi ka nga diyan! Dadaan yung multo, este, tao oh!”

Lumingon ako doon sa nagsalita...para namang nagslow motion ang mundo ko, parang biglang humangin at parang nagpa-alon alon ang buhok ko.

Si Robin Hood, este Singers. Secret crush koo!!

Eeh? Ang landi teh??!

Tumabi naman si Aliah at pinapasok ako sa room, nagsimula namang tumawa ang iba ko pang mga kaklase ng pumasok ako, tinagurian ko na yang ‘welcoming tone’ ko. Tiningnan ko ang nakasulat sa blackboard, nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko.

Noli Me Tangere; Mga Tauhan:

Nabura naman ang iba pang nakasulat at ang naiwan lang ay:

Sisa – Ina ni MICCA ELLA COLLINS.

May tumulong luha sa mata ko, pinahid ko lang ito gamit ang kamay ko at pumunta sa pwesto ko sa likuran, uupo na sana ako ng biglang may humila sa upuan ko, nahulog ako at napa-upo sa sahig.

Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko, sa sobrang inis ko, tumayo ako at lumabas ako sa classroom, napasigaw naman ang lahat ng biglang pumutok ang isang lightbulb sa classroom namin, lumingon ako saglit at tiningnan ang ilaw,pero tumakbo agad ako palabas ng classroom.

Ako si Micca Ella Collins.

Ito ang buhay ko...

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon