04-04-15 1154h
~~~~~
"P--po?"
"Andyan ba ang crush mo sa window at nawala ang attention mo sa class, ha?"
Narinig ko naman ang iba kong kaklase na tumatawa, napayuko lang ako habang nakacross arms at nakataas ang kilay ni sir.
"Nako sir. Baka natatamaan na yan."
Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Rosella. Haha. Nakakatawa nga. Psssh.
"Class, silence!!!"
Natahimik naman silang lahat. At itong sir namin ngayon, medyo baklush. Hehehe.
"Miss Collins ha. Pay attention!"
Tumango ako.
"Yes sir. Sorry po."
Umalis si sir sa harapan ko at bumalik sa pagdiscuss, napaangat ng konti ang ulo at lumingon kina Rosella. Nakatingin sila sa akin at tila mahinang nagtatawanan. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanila at nakinig sa dinidiscuss ni sir.
*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Lunch break.
Pumunta ako ng canteen at kumuha ng tray para pumila. Marami na kasing tao sa canteen at medyo gutom narin ako eh.
Pagkatapos kong mag-order, naghanap ako ng upuan, swerte naman dahil may mga estudyanteng katatapos lang kumain, agad akong lumapit doon at umupo. Nagsimula na akong kumain.
Lumapit naman yung taga-linis at niligpit ang mga kinainan ng na-una dito.
"Sinong may sabi sayo na diyan ka uupo?"
Nanlaki ang mga mata ko nung may narinig akong isang galit na boses. Inangat ako ang ulo at nakita ang limang babae na galit na nakatingin sa akin. At ang nasa gitna nila ay si...Rosella.
Wala namang iba.
"Tabi nga diyan!"
Tatabi ba ako? Eh ako kayang na-una? Gamitan ko kaya ng telekimesis to?
Ai huwag na.
"Ano pang hinihintay mo? Apocalypse?! TABI!"
Tatayo na sana ako ng bigla akong tinulak ni Rosella kaya naman nahulog ako sa sahig. Nagsimula naman silang magtawanan. Napalingon din ang ibang estudyante na kumakain.
"Ano? Tumayo ka diyan!"
Sigaw ni Rosella. Pinulot niya ang ulam na kinakain ko at ibinato niya ito sa akin. Nagtawanan silang lahat ng malakas, pati ang kanin, ibinuhos niya sa akin.
"Rosella!!! Tama na!!"
Sumigaw ako pero hindi siya nakinig.
"Hindi ka nararapat na nakatira sa bahay namin. Ampon ka lang, wala kang karapatan. Anak ka ng baliw!!!"
Nagsimula silang nagkantyawan. Halos lahat ng estudyante sa canteen ay nagtawanan, biglang tumulo ang luha sa mga mata ko.
"Anak ng baliw!!!"
Huminga ako ng malalim. Pumikit ako at bigla namang pumutok ang ilaw malapit sa kinakainan ko, nagulat naman ang mga estudyante at napaatras ang grupo nina Rosella.
"Rosella! Ano ba?! Tama na!"
Nagulat naman ako nung may boses ng isang lalaki ang nagsalita.
S----si......Robin.
"Robin."
Masayang bati ni Rosella. Masyado namang plastic.
"Itigil mo ito."
Itinaas ni Rosella ang dalawa niyang kamay at umalis siya. Sumunod naman ang mga kaibigan niya. Napansin ko naman na wala ang pinakabestfriend niyang si Samantha.
"Okay ka lang?"
Nagulat ako nung nilapitan ako ni Robin. Tinulungan niya akong tumayo.
"O.....okay lang ako."

BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Fiksi IlmiahMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...