1959h
~~~~~
[Samantha's POV]
Natapos na ang make over ni Micca Ella. Surprise nalang kung ano na ang itsura niya ngayon. XD
Nakasakay kami ngayon sa kotse ko at pabalik na kami ng school. Buti nalang at hindi na pumasok yung subject teacher namin. Tahimik lang akong naka-upo sa front sit, tumingin ako sa salamin at nakita ko si Micca Ella na nakatingin lang din sa bintana ng sasakyan.
"Ok ka lang?"
Tinanong ko siya. Tahimik kasi dito eh.
"Ok lang naman."
Sagot niya habang nakatingin parin siya sa bintana.
"Sam. Salamat ha?"
Lumingon siya sa akin.
"Para saan?"
"Sa lahat. Pati na dito sa contact lens na binigay mo."
I chuckled.
"Wala yun."
"Sam. Bakit mo ito ginagawa? Bakit ang bait-bait mo sa akin? Bakit mo ako tinutulungan?"
"Mic. I want to make your prom a memorable one. Eh kesa naman na gumraduate ka na puro bullying ang nasa memory mo. At least, may matandaan ka lang na isang magandang pangyayari sa buhay mo."
Ngumiti siya habang nakaharap sa salamin at tinitingnan ako.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinext ko na si Robin.
Me: Bi. Skyblue daw ang kulay ng gown niya. :)
*riing...riing*
Robin: Haay! Mabuti nalang at hindi pink. Sige Sam, skyblue na tie ang kukunin ko. :D
~~~~~
"Sam. Dito nalang ako."
Sabi ko habang nasa labas pa lang kami ng gate. Eh paano kapag pag-uusapan nanaman nila ako. Pssh.
"Bakit?"
Tanong ni Samantha.
"Ah, eh...kasi. May dadaanan pa kasi ako. Kita nalang tayo sa next class."
Pinahinto ni Samantha ang driver at tsaka ako bumaba ng sasakyan, nagpasalamat narin ako kay Samantha bago sila tuluyang pumasok ulit sa skwelahan. Nakatayo lang ako sa gate ng hanggang dalawang minuto pagkatapos nun, pumasok narin ako.
Tinanggal ako ang mga eyeglasses ko at isinuot ko yung contact lens na ibinigay sa akin ni Samantha. Transparent din naman ito kaya walang makakapansin. Nagsimula na akong maglakad patungo sa next room namin.
Habang naglalakad ako, napansin ko ang mga estudyante na nakatingin sa akin at tila ba nakakita sila ng artista?
"Micca Ella. Ikaw ba yan?!"
Nagulat ako nung biglang tumabi sa akin si Aliah.
"Bakit?"
"Wow, side bangs?! No eyeglasses?! Ganda ah! Pwedeng manligaw?"
Natawa naman ako bigla.
"Sira. Babae ka."
"Sa ganda mo kasi, nakakatomboy ka eh! Hindi mo aakalain na ang dating multo na anak ng--"
Lumingon ako sa kanya.
"Sorry."
Yumuko siya at na-una na siyang pumasok sa room. Lumingon ako sa paligid ko at...haaay. Pinag-uusapan nanaman nila ako. Papasok na sana ako ng room ng biglang may humarang sa pintuan.
"Rosella." -___-
![](https://img.wattpad.com/cover/36027968-288-k229943.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...