PR_CHAPTER II

6.7K 185 2
                                    

Psychotic Rage Chapter II

Tinitigan ako ni Rachel mula ulo hanggang paa, mga isang minuto siyang ganun, kung may tk o kaya pk lang talaga siya...nako, baka nakalutang na ako ngayon.

"So....siya yung Catherine na na-mention mo noong graduation?"

Tanong ni Rachel, tapos lumingon siya kay Samantha na kumukuha ng slice bread at sandwich spread sa ref.

"Ah, oo."

Sagot ni Samantha, nilapag niya ang slice bread at sandwich spread sa mesa.

"Pero...paano?"

Tanong ni Rachel na puno ng pagtataka.

"Pineke namin ang kamatayan ni Micca Ella Collins."

Ngumiti ng malawak si Samantha na nakaharap kay Rachel na napanganga.

"Rachel, kung ano man ang nagawa ko noon, hindi ko yun sinasadya."

Lumingon si Rachel sa akin.

"Hindi mo sinasadya na tapunan si Rosella ng umaapoy na mesa, na ikinamatay niya?"

"Hindi ko maipapaliwanag ang lahat, at lalong hindi mo ako maiintindihan, hindi ko nacontrol ang telekinesis ko, dahil nasobrahan ako sa emosyon, ang totoo, wala akong natandaan sa mga nangyari."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"What?! You mean...na-amnesia ka? Ganun?"

"Uhhhm.....pwedeng...ganun?"

Pinanliitan niya ako ng mata.

"Rache, I need your help, may naipatayo na akong bahay sa isang malayong probinsya, hiniram din ni Daddy yung sasakyan ko kasi nasira yung sa kanya, si Robin naman nag-out of town. I need a favor."

"Hmmm."

Natahimik kaming tatlo, nakatingin kaming dalawa kay Rachel na nag-iisip, nakatingin pa siya sa itaas.

"Okay, fine. Pero may kapalit."

Naka-cross arms si Rachel at nakasmirk kay Samantha, si Samantha naman nanlaki ang mata at parang kinilabutan siya sa bigla...

Ano kayang kapalit ang sinasabi ni Rachel?

~~~~~

Nakasakay na kami sa Impala ni Rachel at patungo na kami sa probinsya na sinasabi ni Samantha na malayo dito.

Nagdadrive na nakangiti si Rachel habang nakasimangot si Samantha, daig pa ang nabagsakan ng langit at lupa.

"Humanda ka Rachel, darating talaga ang araw na ikaw naman ang hihingi ng pabor sa akin. At hindi lang isang credit card kapalit nun."

Tumawa si Rachel ng malakas.

"Aasahan ko yan ha!"

Pa-asar niyang sabi. Mabait naman pala itong si Rachel, kaso medyo sira lang. Hiningi talaga ang isang credit card ni Samantha? Pero....parang wala namang kaso si Samantha, eh ang dami niyang credit card. Kaso ang problema...papagalitan siya ng daddy niya.

Nagpatuloy lang sila sa pag-"aaway," bigla naman akong inantok, di ko namalayan nakatulog na pala ako.

~~~~~

Nagising nalang ako nung naramdaman ko na tumigil kami. Lumingon ako sa bintana at puro bundok na ang nakikita ko sa labas.

"Andito na ba tayo?"

Inaantok ko pang sabi.

"Oo."

Sagot ni Samantha.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba na ako, sumunod sina Samantha at Rachel sa akin. Binuksan ni Rachel ang trunk ng sasakyan niya at kinuha na namin ang mga gamit namin.

"Teka, Sam. Nasaanba tayo?"

Kanina pa kami bumabyahe pero wala akong kaalam alam kung saan kami papunta.

"Ai, hindi ko pala naimention sayo...

"Welcome to Sityo Kalapasan!!"

~~~~~

Hai guys! Sa mga interested diyan! May new story ako titled; Dear Mr. Gold

Hindi ko maiipaste ang link ngayon, cp gamit ko eh...hihi...

Last Update!!! Alas 2 na, antok na ako. :P

Ciao!

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon