CHAPTER XVIII

10.9K 360 7
                                    

04-13-15        1238h

~~~~~

[after finals...4 days before prom...]

[Robin's POV]

At sa wakas naman, tapos na ang finals namin last Thursday at kahapon, at may napili na akong suit...grey ang kulay, hindi pa ako namili ng tie, tatanungin ko pa si Micca Ella kung ano ang kulay ng gown niya, para naman magmatch.

*1 meesage received*

Sam: Bi, nasaan ka? Lunch @ McDo later?

Me: Sure. :)

Sam: Great! Meet me at 12. :)

        "Miss, paki-reserve yung gray suit at pants, mamaya na ako pipili ng tie ha?"

Bilin ko sa nagbabantay ng dress shop habang palabas na ako.

        "Yes sir."

Magalang niyang sagot.

Lumabas ako ng shop at sumakay ng jeep. Yeah, nagcommute lang ako. Coding naman kasi.

Salamat naman at hindi masyadong traffic kaya naman nakarating ako kaagaad. Nakita ko naman sa glass window si Samantha na naka-upo mag-isa. Hala. Kanina pa ba siya? Pagtingin ko sa relo ko, 11:54 na. Hm. Maaga lang pala ako ng 6 minutes.

        "Good noon sir."

Tumango ako nung nag-greet ang guard sa akin habang binubuksan niya ang pinto.

Lumapit ako sa inuupuan ni Sam.

        "O, nandyan ka na pala Bi, order na tayo?"

Tumayo siya sa kinataayuan niya.

        "Uhh. Hindi, ako na ang mag-order, upo ka lang diyan."

Hinila ko ang upuan at pina-upo ko siya doon. Pumunta ako sa counter para mag-order. 

~~~~~

After 354598372945092835432 years!!!!!!!!!!!!!!!!!

Grabe talaga ang Finals! Nakakatigok! Heeeew. Buti nalang at natapos na sa wakas.

Mabuti nalang at may na-ipon akong pera, tapos nabigyan lang din ako ni "Mama" ng allowance. Tapos, back to usual, hindi na nagpapansinan.

After lunch, pumunta na kaagad ako ng dress shop para mamili ng gown, kaso, ang mahal ng mga gowns nila at hindi kasya sa budget. Kaya sa mall nalang ako pumunta para bumili ng tela, sakto naman at may nakita akong lumang sewing machine sa bahay.

Hahanap ako ng magandang tela na kulay skyblue. Favorite color ko kasi eh.

May nakita naman akong magandang sky blue na silk at agad ko itong kinuha, kumuha narin ako ng see-through na tela na kulay sky blue din, at medyo lighter siya sa silk na tela. Binayaran ko ito at agad akong umuwi ng bahay.

Gagawa ako ng sarili kong gown...

       

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon