1633h
~~~~~~~
Nakaharap ako sa salamin sa CR ng school namin, nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata, tahimik ko lang nilalabas ang galit at sama ng loob ko, tinitigan ko lang ang sarili ko sa salamin at nagulat nalang ako nung biglang nabasag ang salamin.
Napa-atras naman ako, muntik na nga akong natamaan ng glass na nabasag, mabuti nalang at naka-iwas ako agad. Tiningnan ko lang ang nabasag na salamin na nagkalat sa sahig. Seriously...pangit ba ako? Kailangan talagang mabasag, LITTERALLY ang salamin?!
Agad naman akong lumabas ng CR, baka mapagalitan pa ako nito. Buti nalang at walang CCTV ang school namin, hindi nila malalaman na...’ako’ ang nakabasag ng salaman, kahit na hindi ko naman alam kung bakit biglang nagbasag iyun.
Naglakad ako pabalik sa Room 12, muntik ko nang makalimutan na may klase pa pala ako. Haaay. Pagkarating ko sa Room 12, nadatnan ko ang teacher namin na kakarating lang din. Hay salamat, makakaiwas ako sa pang-aasar ng mga kaklase ko ngayon dahil andyan ang si Ma’am, pati yung nakasulat sa blackboard kanina binura na. Lumingon ang teacher namin sa blackboard at nakita niyang nabura na ang mga nakasulat nito, na-inis naman si Ma’am kaya inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bewang, tsaka, medyo terror rin tong teacher na ito.
“Sinong nagbura sa mga nakasulat dito sa board?!”
Galit niyang tanong. Pero wala ni-isang sumagot. Tahimik lang ang buong klase.
“Ai, Ma’am, baka po si Micca Ella!”
Tumayo ang kaklase kong lalaki na mataba at tinuro ako. Tinaasan siya ng kilay ni Ma’am.
“Baka ikaw, Mr. Kenson.”
Seryosong sabi ni Ma’am.
“Kakarating lang ni Miss Collins, aakusahan mo na kaagad?”
Hindi na sumagot si Kenson, umupo siya ulit sa mesa.
“Op! Sinong nagsabi sayong umupo ka? Isulat mo ulit yung tauhan ng Noli Me Tangere.”
Binigyan ni Ma’am si Kenson ng chalk. Nakayukong tumayo si Kenson at nagsimulang nagsulat sa board. Nakaharap naman si Ma’am sa amin.
“Okay class, simulan na natin ang ating leksyon, kunin ang mga aklat ninyo na Noli Me Tangere at buksa ito sa...Chapter 2.”
Sinunod namin si Ma’am, kinuha ko ang aklat ko na nasa bag, isinantabi ko ang mga aklat ko sa Math, English at Araling Panlipunan. Nagsimula si Ma’am sa pagbabasa at kami naman ay nagbabasa gamit ang aming isip. Tumingin ako saglit sa blackboard at nakita kong may isinulat si Kenson sa balckboard;
HUMANDA KA, MICCA ELLA COLLINS.
Nanlaki naman ang mga mata ko, wala namang nakapansin dahil nakatitig ang lahat sa aklat na binabasa nila, agad din naman binura ni Kenson ang sinulat niya at umupo siya ulit. Bigla naman akong kinabahan nung tiningnan niya ako at tila galit siya. Galit na galit. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Patay ako nito after class.
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Fiksi IlmiahMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...