CHAPTER X

12.8K 446 27
                                        

2155h

~~~~~

        "Don't worry, Micca Ella, kakausapin ko sina Rosella, they won't do anything to you, I promise."

Nagulat ako kay Samantha, hindi ko akalain...hindi siya galit? Hindi niya ako sasaktan or something? At, yung sinabi niya. Seryoso siya doon?

        "A--akala ko ba, ayaw mo sa akin."

Nahihiya akong magsalita, kaya halos bulong nalang iyon.

        "What?"

Nagulat na sabi ni Samantha.

        "Sino bang nagsabi sayo niyan? Hindi naman sa ayaw ko sayo, it's just..."

Tumingin ako sa kanya.

        "Sorry talaga."

Nagwalk out sa harapan nila. Malay ko ba kung may pinaplano silang kalokohan. Alam kong bestfriend ni Samantha si Rosella. Paano kung, pagtripan nila ako sa prom? Paano kung ipahiya nila ako?

Baka magamit ko pa itong telekinesis ko.

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

2pm na at...may klase nanaman. Math pa naman ang subject.

Pumasok ako sa room at nakita ko na konti palang ang mga kaklase namin doon, himala naman at walang nangbabato sa akin ng papel ngayon o kung anu-ano. Walang nakasulat sa blackboard. Pero, napansin ko na hindi maganda ang tingin ng ibang babae kong kaklase ko sa akin.

Nako. Baka alam na nila na inimbita ako ni Robin na maging date niya?

Patay ako nito, pagkakaguluhan ako ng mga babae dito.

        "Good afternoon class!!!"

Nagulat naman ako nung narinig ko ang teacher namin na nagsalita. Normal na para sa kanya ang pagsigaw. At bulong para sa kanya ang normal na pagsasalita.

        "Get your books and open it to page 128, sagutin niyo ang mga problems."

As usual, binuksan ko ang Math book ko. Kumuha ako ng ballpen.

        "Nasaan na ang iba ninyong kaklase?"

Timing naman at nagsidatingan ang iba naming kaklase, huli namang pumasok sina Samantha, Robin, at ang grupo ni Rosella, iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanila at nagconcentrate nalang ako sa problems na nandito sa book.

Curse you Algebra! Bakit ang hirap mo, ha?! At kailan ba kita magagamit sa totoong buhay???

Napabuntong hininga ako, nagsnap fingers ako sa kaliwang kamay habang nagsusulat ng solution ang kanan kong kamay. Nagulat naman ako nung biglang may nagbato sa akin ng papel.

Aba, nahuli ata ang batuhan-ng-papel-session ngayon ah? Eh before classes kaya nila akong binabato ng papel. Psssh.

 Pero, naglanding naman ito sa mesa ko, curious naman kasi ako, binuksan ko ang papel. At may nakasulat dito.

        Naka-usap ko na sina Rosella. :)

Lumingon ako kay Samantha at nakita kong nakangiti siya sa akin.

AAAARGH!!! Pwede bang iba nalang ang pagtripan nila? Bakit ako??? Dahil ba anak ako ng baliw?! Ano bang kasalanan ko sa kanila?!?!?! Why are they doing this to mee?!?!?!?!

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon