1504h
~~~~~
[Robin's POV]
Pumayag siya...yes!!! Pumayag siya!!!!!! WOOOOO!!!!!!!!!!!!
Nagda-drive ako ngayon pauwi ng bahay, don't worry, may student's liscence naman ako, 2nd year highschool palang ako ng matuto akong magdrive.
~~~~~
Isinara ko ang pinto ng bahay....
"WAAAAAAAAAAAAGH!!!!!!!! Bakit ba ako pumayag?!?!?!?!?!?!??!?!?!?!??!?!?!"
Haaaaay!!!! Ang tanga-tanga ko talagaaaa!!!!!!! UUUURGH!!!!!
~~~~~
[Samantha's POV]
"Sam, bakit si Micca Ella pa?"
Andito kami sa mall kasama si Rosella at si Rachel, namimili sila ng tela para sa kinalang gowns na isusuot sa prom.
"Bakit? Anong masama kapag si Micca Ella ang gusto kong idate ni Robin?"
Lumingon sa akin si Rachel at tinaasan ako ng kilay.
"You're not afraid of her?"
Bigla akong napatawa.
"Bakit ako matatakot? Hindi naman siguro nangangagat si Micca Ella?"
"Pero anak siya ng isang baliw, hindi nga ako lumalapit sa kanya sa bahay eh."
Hinila ni Rosella ang tela na orange na silk.
"I like this. What do you think?"
Lumingon siya kay Rachel.
"Yeah, nice! Bagay sayo ang orange!"
"Rosella, anong kasalanan ni Micca Ella sayo?"
Napatigil silang dalawa at lumingon sila sa akin, nagcross-arms lang ako.
"Bakit galit na galit kayo sa kanya? Bakit niyo siya binubully?"
Naglingunan silang dalawa.
"Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa akin noon? Kung paano niya inagaw si Daddy sa akin?"
"Over that reason, nagagalit ka? Oh my God Rosella, how imature of you!"
Nakita ko ang galit sa mukha niya.
"Wala kang alam sa buhay ko Sam, kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan!"
Kinuha niya yung tela at nagwalk out sa harapan ko, lumingon ako kay Rachel.
"O, bakit hindi ka sumunod sa kanya?"
Ngumiti si Rachel.
"Hindi pa kaya ako nakapili ng tela. Heller?!"
Nagpatuloy sa pagpili ng tela si Rachel hanggang sa nakakita siya ng light pink na tela. Hinihimas himas niya ito at agad niya itong kinuha.
"Akala ko ba mag bestfriends kayo ni Rosella, eh bakit sinabi niya na wala kang alam sa buhay niya?"
Nagtanong si Rachel sa akin habang naglalakad kami patungo sa counter.
"Kami lang ang magbestfriends sa mundo na hindi close."
Lumingon siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi kayo close...tapos bestfriends kayo?! Teka, nalilito ako sa inyong dalawa eh. Ano ba talaga ang status niyo, ha?"
Napascoff ako.
"It's complicated. Kami ni Rosella simula ng second year highschool palang kami, away bati kaming dalawa, at minsan nga lang kami nagsasabay kumain ng lunch eh, alam mo naman ako, busy life."
Sina Rachel kasi at tatlo pang kaibigan ni Rosella na sina Tina, Shane, at Eva ay third year nang naging close niya.
"Ah ganun ba, napansin ko nga."
Natahimik kaming dalawa nung nakarating na kami sa counter, bigla namang tumunog ang cellphone ko, may nagtext sa akin.
Si Robin.
Pumayag na siya Sam. :)
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...