Written: 04-17-2015 2153h Published: 04-19-2015 1909h
~~~~~
"Imbestigahan?!"
"Opo."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Micca Ella."
Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaki na tumatakbo papalapit sa akin.
"Robin?"
"Anong nangyari?"
Tinanong niya ang pulis.
"Sir. Kailangan po naming imbestigahan ang girlfriend mo."
"Manong...hindi po niya ako girlfriend. At hindi po ako sasama sa inyo kasi po wala akong ginawa."
"Anong walang ginawa?!"
Lumingon kami ni Robin sa estudyante, pati yung pulis napalingon din.
"Uhh, sir. Pwede po bang kausapin ko muna ang kaibigan ko?"
Paki-usap ni Robin sa pulis, tumango lang ang pulis.
"Micca."
Bumulong si Robin.
"Teka, bakit ka bumubulong?.....bakit ako bumubulong?"
"Alam kong hindi ikaw yun."
"Anong ibig mong sabihin? Ano ba kasi ang nangyari? Bakit wala akong matandaan?"
"Hindi ko alam, pero nawala ka sa sarili mo, yun lang ang masasabi ko."
"Ha?"
Nalito ako sa sinabi niya. Bakit ba kasi wala akong matandaan?!?!?! O_____o
"Micca Ella. Kukunin ka ng mga pulis at iimbestigahan ka nila, may mga psychologist din na titingin sayo. At kung malaman nilang may telekinesis ka,"
"Teka, paano mo nalaman na may telekinesis ako?"
"Prom. Ginamit mo ang telekinesis mo, may konting knowledge ako diyan, alam mo naman na Science ang favorite subject ko."
"Oo nga pala. Teka, anong gagawin nila kapag nalaman nila na may telekinesis ako?"
Napabuntong hininga siya.
"Hindi ko alam, pero sa palagay ko, kukunin ka ng mga scientist...at ayokong mangyari yun, kaya, may pagkakataon ka pa Micca."
"Anong ibig mong sabihin."
"Takbo."
"Ha?"
Lumingon ako at papalapit na ang mga pulis sa akin.
"TAKBO!"
Tinulak ako ni Robin, agad akong tumakbo nung nakita ko ang mga pulis na may dalang posas.
"Huie!"
Sumigaw yung isang pulis. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa back gate ng skwelahan namin. Minalas na...nakalock!!!
"Bumalik ka rito!!!"
Lumingon ako sa likod at nakita ko na papalapit na ang pulis. Pataay!
"SORRY!!!"
Pumikit ako at ginamit ko ang telekinesis ko, binuksan ko ulit ang mga mata ko at nakita ko na natumba ang limang pulis na humahabol sa akin. Tinanggal ko ang sandals ko....ay, hindi pala akin ito. Kay Aliah pala, iniwan ko lang ito pagkatapos ginamit ko ulit ang telekinesis ko para magbukas ang gate. Agad akong lumabas ng skwelahan.
~~~~~
Naglalakad lang ako hanggang sa nakarating ako sa subdivision namin. Nakatulala lang ako at hindi ko namalayan na lumagpas na ako sa bahay na tinitirahan ko.
Paglingon ko, nakita ko ang bahay namin nung bata pa ako...bahay kung saan nandoon ang masasamang ala-ala ko nung sinasaktan ako ng sarili kong nanay. Tiningnan ko lang ito saglit, pagkatapos nun, tinulak ko ang pintuan na nakalock, gamit ang isipan ko.
Ilang taon na ang lumipas at walang nakatira sa bahay na ito, malay ko kung may multo dito.
Pumunta ako sa secret basement ko nung bata pa ako. Basement kung saan ako nagtatago para lang hindi masaktan ng nanay ko, nung nakapasok na ako...
Napaluhod ako at napa-iyak.

BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...