CHAPTER XXXVI

7.2K 220 2
                                    

Written: 04-17-2015 2128h Published: 04-19-2015 1904

~~~~~

[Samantha's POV]

"Oh my God. Samantha, you should see this."

Nasa kusina ako at nagluluto ng dinner ng bigla akong tinawag ni Mommy. Tinutulungan ko si yaya na magluto ng dinner. Mahilig din akong magluto kung minsan.

"Ma. Ano yun?"

Tinuro niya yung tv at nakita ko ang breaking news. May sunog sa Maynila.

"What's the big deal kung may sunog sa Maynila?"

Tinanong ko si Mommy.

"Tingnan mo ang lugar ng sunog."

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

NO WAY. GRAND HALL BA NAMIN YAN?!?!

*riiiing...riiiing...riiiing*

Incoming Call: Claz_Rachel

"Rachel?"

"Samantha."

Umiiyak siya habang nagsasalita, narinig ko naman sa kabilang linya na pinapatahan siya ni James.

"Anong nangyari? Totoo ba yung nakita ko sa balita?"

"Oo. Totoo yun. Pero, iba eh, sina Micca Ella at Rosella-"

"Ha? Anong tungkol kina Micca Ella at Rosella?"

~~~~~

Binuksan ko ang mga mata ko at nagtataka ako kung bakit nasa labas na ako ng school, may mga tunog ng sirena ng mga fire truck at may mga wang-wang ng mga pulis.

Ano bang nangyayari?

Tiningnan ko ang suot ko at nagtaka ako kung bakit basang basa ako, sa ibabang bahagi ng gown ko ay may marka ng sunog at naging itim ito, yung buhok ko na coronation hair ni Elsa, bumalik na sa normal, layered, straight hair. At basang basa.

Hindi ko naman matandaang nagsi-swimming ako pagkatapos ng prom tapos sinunog ko ang ibabang bahagi ng gown ko. O_____o

Teka nga. Bakit ang init ng paligid ko.

Unti unti akong lumingon sa likod ko at...

At...

*gaaaasp*

Oh my God....ano ito?

Ang Grand Hall namin..........

Nasusunog.

Bakit wala akong natatandaan???

~~~~~

Naglalakad ako patungo sa harap ng Grand Hall, eh kanina lang nasa likod ako. Malamang. Nilapitan ko yung isang pulis na may kausap na estudyante, kaso nagulat ako nung bigla akong tinuro ng estudyante na lalaki.

"Siya po."

"H-ha? Anong ako?"

Nagtaka yung estudyante at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Huwag mong sabihin na kinalimutan mo na yung ginawa mo kanina?"

Wala akong matandaan, napanod ako.

"Anong ginawa ko?"

Bigla siyang tumawa, pekeng tawa.

"Yung, ginawa mo kay Rosella? Tapos, parang nagcontest pa kayong dalawa kung sino ang may mataas na lipad?"

Napanganga ako sa sinabi niya at nalito ako. Anong ibig sabihin niya na nagpataasan kami ng lipad? Lumipad kami ni Rosella?? O____o

"Tapos, tinapunan mo siya ng mesa na umaapoy, tapos yung chandelier pinabagsak mo, tapos, yung tubig na nilagyan mo ng live wire!!!"

Biglang tumulo ang luha sa mata niya.

"Alam mo ba kung anong takot ang naramdaman namin? Kung anu-ano ang inilagay namin sa sahig, para lang hindi kami makuryente?! Himala nalang at nabuhay pa kami!! Tapos itatanong mo kung anong nangyari?!?! HAA?!?!?!"

"Sir, tama na."

Pinigilan siya ng pulis, tapos bigla siyang humagulhul at umiyak at sumandal sa pulis car.

"Miss, kailangan mong sumama sa amin."

Humarap ang pulis sa akin.

"T-teka, inaaresto niyo ho ako?"


"Hindi, pero kailangan ka naming imbestigahan."

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon