Chapter 1

2.8K 82 5
                                    


Ito ang pinaka-inaantay ng halos lahat ng mga estudyante tuwing june. Ang pasukan. Though medyo exaggerated since hindi naman lahat ng students pasukan ang inaantay every june. Pero ako, eto ang inaantay ko.

Nakapagenroll na ako last march throigh online. Napaaga nga ako pero tinanggap naman nila kaya wala na akong problema dun. Hindi ko maipaliwanag ang excitement na nararamdaman ko.

Makakapasok na ako sa isang school sa maynila. Pinagipunan ko talaga ang pangenroll ko para makapasok ako sa school na yon. Galing pa ako ng bulacan at kailangan kong bumyahe papunta ng maynila.

Medyo familiar naman na ako sa mga lugar sa maynila dahil parati akong sinasama ng tita ko dun kapag magsusundo kami ng mga pinsan namin na kakauwi lang galing ng ibang bansa.

Bakit ko pinagipunan ang pampaenroll ko? Kase ayokong humingi ng pera sa nanay ko. Mas gugustuhin ko nalang paghirapan ang pera na gagastusin ko kesa umasa sa nanay ko.

Wala naman akong galit sa kanya pero sadyang mahirap lang umasa sa kanya lalo pa't mahilig siyang manumbat at medyo may pagkabungangera.

Ngayon nakasakay ako sa bus papunta ng maynila. Actually...familiar ako sa mga lugar dito pero hindi yung daan! Malilimutin talaga ako pagdating sa mga daan kaya hindi niyo ako maasahan sa ganyan.

Nakatulog ako sa sobrang haba ng byahe. Nakakabagot pa naman kapag magisa ka lang bumabyahe kaya wala ka talagang ibang choice kung hindi ang matulog!

Nagising ako nang maramdaman kong huminto ang sinasakyan kong bus. Nandito na ata kami.

Bumaba na ako dahil excited na talaga akong makarating sa pagiistayan ko!! Kinuha ko lang ang dalawang maleta ko at yung isa kong duffel bag. Dinaig ko pang naglayas noh?

Bago ako sumakay o maglakad tinawagan ko muna ang bestfriend ko na nandito din sa maynila. Makakasama ko siya sa building pero hindi sa iisang unit! Meron na kasi siyang roommate kaya hindi na pwede pero katabi lang naman ng unit niya ang magiging unit ko.

10 years na kaming magbestfriend ni ally. Last year pa siya nagaral dito dahil may ipon na siya nun. Ang sabi ko sa kanya ay ngayong year nalang ako mageenroll dun para kahit papaano magkasama padin kame...Kaso late nga lang.

Gusto kong sabunutan si ally kapag nagkaharap kami dahil nakatatlong ring muna bago niya sagutin ang tawag.

["Hello?"] boses niya mula sa kabilang linya.

"Hello ally?" patanong na sagot ko.

["Athena??"] Parang may excitement sa boses niya.

"Ako nga!!" masayang sabi ko din "By the way! Kailangan ko ng tulong mo. I need a map!" dora lang ang peg ng lola niyo diba!

["Itetext ko nalang sayo ang address at humanap ka ng taxing masasakyan mo at sabihin mo lang ang address na itetext ko sayo"] sabi niya ["Ang by the way! Hindi mo na kailangan ng map para makarating dito!! Address lang sapat na!"] Sabi niya tsaka pinatay ang tawag

Sanaol sapat! Paniguradong kahit anong sapat niyan ay papalitan at papalitan ka padin niyan. mga pambobola niyo na bulok, Itapon na yan.

Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko kaya tinignan ko kaagad yon. Nang buksan ko ang screen ng phone ko ay nakita kong sinend na ni ally yung address ng unit na tutuluyan ko na tinutuluyan niya. Sige intindihin mo muna

Humanap kaagad ako ng taxi na masasakyan para maiayos ko na yung mga gamit ko. Nangangalay na yung kamay ko sa dami kong bitbit! Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak ko para dalhin ang buong kwarto ko sa maynila eh! Akala mo may sariling sasakyan para madala ang mga gamit na yon eh, demanding.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon