Chapter 5

892 54 2
                                    

Agad kaming nagtungo sa arcade at pumunta sa just dance pagkarating namin sa mall. Dito agad ang diretso namin. Wala nang pasikot sikot pa.

Hindi na masakit ang katawan ko kaya walang makakapigil sakin! Kapag dito ako pupunta, wala na ang sakit ng katawan ko, char! Maayos na ang katawan ko. Nakapagpractice nga ako buong maghapon eh.

Tinali ko ang blazer ko sa bewang ko para hindi maging sagabal kapag sumayaw na ako. Mahirap kasi sumayaw kapag medyo masikip ang suot. Baka mamaya pag giniling ko ng sobra ang katawan ko ay biglang mapunit ang suot ko.

Agad akong lumapit sa just dance at namili ng sasayawin. Ang daming choices pero yung isang favorite ko ang napili ko. Madalas ko tong sayawin dito.

Hips don't lie...Lezzgo!!

Nagsimula na ang sayaw kaya nagsimula na din akong gumalaw. Syempre perfect yung moves ko! Baka Athena toh HAHA char!

Dumating na yung chorus kung saan pababa ng pababa yung likod ko. Akala niyo spaghetting pababa eh noh. Nakaya ko pang babaan yon. Akala mo hindi nabalian ng buto eh noh? Kahit kakagaling lang sa sakit ng katawan ay nababaan ko padin ang likod ko kaya i'm so proud of myself!

Todo kembot at giling ang ginagawa ko. Naging hobby ko na to after class nung nasa bulacan pa ako. Nakakamiss din dahil simula nung magkaroon ako ng boyfriend na ex ko na ngayon ay hindi na ako nakakapunta ng mall:(

Marami daw kasing makakakita sa kagandahan at talento ko. Baka maagaw pa daw ako ng kung sino!

Wag kayong papadala sa pambobola! Pag nagpadala kayo, hindi kayo aabutin ng 2 weeks.

Nang matapos ang sayaw ay nagulat ako ng biglang may nagpalakpakan sa paligid ko. Agad kong nilibot ang paningin ko at ang dami na palang nanonood! Nakakahiya!! Todo giling pa naman ako dito

"Isa pa! Isa pa!" sigaw ng mga tao kaya wala akong nagawa kung hindi pumili ulit ng panibagong sasayawin. Kunyari napilitan.

Ano bayan! Isa nga lang dapat ang sasayawin ko at lilipat na ako sa dance dance revolution eh! Pero okay lang! Pagbibigyan ko kayo. Ihanda niyo na din ang papel at marker niyo at magpapa-sign event ako dito, Char! Ayan nanaman ang hangin.

Sunod kong pinili ay yung timber. Hinanap ng mata ko si ally pero wala sa paligid ko. Kaya no choice ako kung hindi sumayaw magisa. Pang double kase yung timber eh. Eh sayang wala na akong ka couple kaya mas pipiliin ko nalang mag single dance, Che!

Nagsimula na ang sayaw kaya nagsimula na din akong gumalaw. Nagpanggap nalang ako na kunyari ay may kapartner ako:) okay lang. Hindi naman halata na single ako.

Nagpatuloy pa ako sa pagsayaw hanggang sa dumating yung part na Swing your body round and round kung saan kailangan hawakan ko yung partner ko na nakaluhod.

Malungkot ako na umikot at kunyari may hinawakan at muling nagpatuloy nang dumating ang pangalawang line na swing your body round and round at nagulat ako nang biglang may lumuhod sa harap ko at tinaas ang kamay niya.

Since kailangan ko naman ng partner at para hindi narin ako mapahiya ay tinanggap ko na ang kamay niya at umikot sa likod niya.

Habang nagpapatuloy sa pagsayaw hindi ko maiwasang tignan yung lalaking kasabay ko ngayong sumayaw at habang pilit ko siyang tinitignan ay nakita ko ang mukha niya!!

Si gino!!

Pinagpatuloy ko muna ang sayaw at inantay na matapos yon hanggang sa dumating ang oras na natapos ang sinasayaw namin at nagpalakpakan nanaman ang mga tao.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon