Chapter 35

486 30 0
                                    


Kinabukasan ay tanghali na kaming umalis ni gino. Kagaya ng napagusapan namin ni daddy kagabi ay nagpasama ako kay gino. Ipapakilala ko na din siya kay mama para aware siya na may boyfriend na ako.

"Alam mo ba ang bahay namin?" tanong ko kay gino.

"Malapit lang yun sa bahay nila ally diba?" tanong niya pabalik.

"Oo doon lang din yon" sagot ko at natahimik na ulit kaming dalawa.

Iniisip ko na agad kung anong patutunguhan ng paguusap namin ni mama mamaya. Natatakot ako, natatakot ako sa mga sasabihin ni mama. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala sa kanya dahil sa dinamirami ng kasinungaling sinabi niya sakin ay hindi ko alam kung may totoo pa ba sa sasabihin niya.

Maya maya lang ay nasa tapat na kami ng bahay namin. Hindi pa ako bumababa at nanatili lang akong nakatitig sa pinto ng bahay namin.

Naramdaman kong hinawakan ni gino ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako.

"Kung nakaya mong kausapin ang daddy mo na inakala mong patay na at hindi mo nakasama hanggang sa paglaki, paniguradong mas kakayanin mong kausapin ang mommy mo na nakasama mo simula pagkabata" nakangiting sabi niya sakin "Kapag kailangan mo ng tulong ay nandito lang ako sa labas" sabi niya pa kaya agad ko siyang nginitian.

Sandali akong nagbuga ng hangin bago bumaba ng sasakyan na pinahiram ni daddy kay gino.

Habang naglalakad patungo sa bahay ay hindi nakatakas sa mata ko ang mga chismosa kong kapitbahay na nagbubulungan habang nakatingin sakin.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng bahay namin. Ilang segundo pa ang lumipas bago may magbukas ng pinto. Ganon nalang ang pagkunot ng noo ko nang lalaki ang nagbukas nito.

"Anong kailangan mo?" nakangiting tanong nung lalaki.

"Hon sino yan?" biglang sulpot ni mama sa likod ng lalaki "Oh athena! Hindi ka nagsabi na dadating ka" parang kinakabahang sabi ni mama.

Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatitig sa kinakabahan niyang mukha. Namumuo ang mga luha ko sa mata. Ngayon ko talaga masasabi na wala ng tsansang maging maayos ang pamilya namin, Ang kailangan nalang naming gawin ay tanggapin na meron ng ibang pamilya ang mga magulang namin.

"Bakit napauwi ka? May problema ka ba?" agad na tanong niya at lumapit sakin. Inalalayan niya ako papasok sa loob "Ah nga pala si tito ranz mo, bagong...bagong asawa ko" parang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya sakin.

Naupo ako sa sofa at nilapag ang bag ko sa center table "Gusto ko lang makipagusap" seryosong sabi ko.

"Pwede ka namang tumawag bakit umuwi ka pa?" tanong niya na kinakunot ng noo ko.

"Talaga bang gusto mong itago sakin lahat kaya mas gusto mong napapalayo ako?" galit na tanong ko.

Agad nangunot ang noo ni mama "Umayos ka ng sagot sasampalin kita" nanggigigil na sabi niya.

Agad kong tinignan ng masama yung lalaki para maiparating sa kanya na kailangan namin ni mama ng oras na magusap. Nang wala siya!

"Sa taas muna ako" sabi nung lalaki. Nakaramdam!

Agad lumapit si mama sakin at hinampas ako sa balikat "Yan ba ang natutunan niyo sa school niyo? Dahil kung ganyan lang din ang natututunan mo ay mas maiging magtrabaho kana at wag nang magaral!" sabi niya at doon na tumulo ang luha ko.

Kahit gaano ko palakasin ang loob ko, kahit gaano ko pigilan ang luha ko ay hindi ko kaya. Parang kinukurot ang puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni mama. Hindi ko matanggap.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon