Sorry sa matagal na update:( nagkaroon kase ako ng problem and naging busy din. Pero promise derederetso na tong update ko ngayon:)• ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • °
Bumalik na ako sa classroom namin kahit nagtataka ako sa kinilos nung baliw na lalaking nagpakilala sakin.
May sayad ata sa utak yun eh kaya ganon. Pero nakakapagtaka padin yung naging kilos niya dahil nung nasa mall kami kahapon ay bigla siyang nag walk out na padabog tapos ngayon ngingiti ngiti. Parang tanga!
Biglang pumasok si sir jake sa classroom namin kaya agad kaming nagsipagayos ng upo.
"Hindi ko inakalang may tinatago ka pa palang talento athena" bungad ni sir pagkatapak na pagkatapak niya palang sa classroom.
Hindi ko na sinagot si sir dahil mukhang wala naman siyang balak makipagkwentuhan. Tch! Hindi ko nga alam kung compliment ba yung sinabi niya or what.
Natapos ang klase na puro discussion lang ang ginagawa namin at ang boring non! Hindi ko inaasahang ganito pala kaboring magaral dito sa school na to!
Ang akala ko mageenjoy ako dahil bago yung mga taong makakasalamuha ko pero hindi pala! Tch! Mga wirdo yung tao dito! Parang mga kulang sa pansin ganun.
Tumayo na ako at akmang lalabas na ng classroom nang biglang may humila sa kamay ko dahilan para mawalan ako ng balanse!
"Naknamputcha! Hindi ako aware na gusto niyo palang makipaglaro ng tug of war sakin!" inis na sabi ko at tumayo.
Tinignan ko kung sinong humila sakin at laking gulat ko nalang nang makita ko si alex na nakaupo din sa sahig!
"Ambigat mo pala" tumatawang sabi niya
Hindi ko na siya pinansin at lalabas na ulit sana kaso bigla niya nanaman akong hinila! Potek! Wala akong plano na makipaglaro ng tug of war sa kanya ngayon!
"Teka lang. Nagmamadali ka ba?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"Oo! Kaya bitawan mo na ako dahil may gagawin pa ako!" inis na sabi ko sakanya at padabog na hinila ang braso ko.
Pero hindi ko pa man naihahakbang yung paa ko nang bigla na siyang humarang sa may pintuan! Inis ko siyang inirapan at hinarap.
"Ano namang gagawin mo?" malumanay na tanong niya "May gagawin ka ba talaga o iniiwasan mo lang ako?" nakataas ang kilay na tanong niya.
Hindi ako nakasagot! Nagisip ako ng idadahilan at sakto namang tumama yung paningin ko kay jam na naglalakad pababa ng hagdan.
"Ayun!" tinuro ko si jam kaya napaharap din siya dun "itututor ko pa yun" sabi ko at malakas siyang tinulak at dali daling lumapit kay jam.
Mabilis kong hinila si jam palabas ng gate ng school at agad siyang binitawan. Hingal na hingal ako nang huminto kami. Humarap ako kay jam at natawa nang makitang naghahabol siya ng hininga.
"Baliw ka ba!?" hinihingal na tanong niya.
"Bakit? Diba lalabas ka din naman ng school?" inosenteng tanong ko sakanya.
"Oo lalabas ako ng school pero kapag nakuha ko na yung kotse ko sa loob!" salubong ang kilay na sabi niya.
Ayy oo nga pala! Nasa loob nga pala yung parking lot ng school na to! Ambobo mo athena!
"Ang sungit mo naman" pacute na sabi ko sakanya baka sakaling tumalab.
"Hindi bagay sayo!" sabi niya at bigla nalang akong tinalikuran.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...