Sinong magaakala na magcocomment ang isang bwisit at mayabang na gino sa isang trending video ko?
Hindi padin ako makamoveon hanggang ngayon! As in lutang ako kakaisip kung anong ginawa ng mga anghel sa isang mayabang na katulad ni gino?
Papasok ba ako ngayon or wag na lang? Bakit parang ang laki ng epekto sakin ng ginawa ni gino? Self! Umayos ka!
Bumangon na ako at naligo. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako. Syempre hindi mawawala ang ootd ko kahit lutang ako:)
Nagsuot lang ako ng white na oversized hoodie at black leggings. Pinartneran ko nalang yon ng mataas na rubber shoes. Binun ko nadin ang buhok ko para mas desente ako tignan.
Kumuha lang ako ng pwede kong makain para mamaya at nilagay ko yon sa bag ko pagkatapos ay nilock ko na ang unit ko at lumabas na.
Pagkalabas ko ay saktong lumabas din si ally. Naalala ko nanaman yung inakto niya kagabi. Ano kayang meron at bakit ganoon ang reaksyon niya kapag nakita niya ang mga kaklase ko? Una si gino sunod naman si alex.
Lumapit ako sakanya at sinangkla ang braso ko sa braso niya "Sabay na tayong maglakad" nakangiting sabi ko sakanya at tumango lang siya sakin at nagsimulang maglakad.
Habang naglalakad, Binalikan ko ang nangyari sakin nung mga nagdaang araw. Parang ang bilis masyado ng mga pangyayari. Una yung mabilis na nakuha ni alex yung tiwala ko tsaka parang napansin kong ang boring ng mga nagdaang araw ko:(
Kelan kaya magkakaroon ng thrill yung life ko?
Napatigil ako sa pagiisip nang bigla akong kalabitin ni ally. Dahil sa sobrang pagiisip ay hindi ko namalayang nakatulala lang pala ako habang naglalakad.
"Sabi ko dito na ko" sabi niya habang nakaturo sa tapat ng school nila
"Ahh oo sige ingat ka ah!" parang wala sa sariling sabi ko
Kumunot naman ang noo niya "Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong niya.
"Okay lang ako, may iniisip lang. Sige na pumasok kana baka malate kapa" nakangiting sabi ko at nagpaalam na naaalis na.
Nang makarating sa school ay ginawa ko lang ang mga kailangan kong gawin sa dance room bago pumunta sa classroom namin.
Nakayuko ako habang umaakyat! Nakakailang yung mga mata nila na titig na titig sakin!! Ano bang meron sakin at titig na titig kayo!? Sundutin ko mata nyo eh!
Nang makapasok sa room ay dumiretso ako sa upuan ko at nagtaas ng kamay. Nasa loob na kasi si sir at dahil late ako ay kailangan kong humingi ng paumanhin. Bwisit na comment kasi yan eh!
"Sir sorry po kung late ako. May kailangan po kase akong tapusin sa dance room kaya nalate ako" paliwanag ko kay sir
Hindi talaga yun ang dahilan! Late na talaga ako bago pa ako pumasok ng dance studio kanina. Mas na late pa ako lalo dahil bida bida ako at pala desisyon sa buhay, mwehehe.
Kung yun kasi ang gagamitin kong dahilan ay alam kong hindi ako mapapagalitan. Alam naman nila na kailangan kong magpractice kaya hahayaan nila ako.
"Its okay. You may now sitdown" sabi ni sir habang iminuwestra pa ang kamay niya.
Oh diba?
Sa harap lang ang focus ko dahil naiilang ako kay gino! Feeling ko nakatingin siya sakin. Ano ba naman tong lalaking to kase eh! Idagdag mo pa ang nakakailang na titig ng iba naming kaklase. Dahil siguro sa narinig ko kahapon mula sa kanila.
Biglang may kumalabit sakin mula sa likod kaya napaharap ako dun. Hindi naman kasali si alex sa mga naguusap kahapon pero feeling ko one of them parin siya.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...