Chapter 13

691 34 3
                                    

Nang makarating sa isang malapit na coffee shop ay agad akong umorder ng maiinom ko at tsaka naghanap ng upuan.

Napatingin ako sa paligid. Maayos at malinis naman ang paligid. Maraming tao ang umiinom ng kape. Mukhang sikat ang.coffee shop na ito.

Nakakamiss minsan ang trabaho ko dati dahil naranasan kong magserve sa mga taong naghihintay ng mga kape na ginagawa ko.

Napatingin ako sa may katabi kong lamesa. Nakita ko ang isang lalaki na gwapo at malakas ang dating! Nasa harap niya ang isang babae simple lang ang ayos. Gwapo sana yung lalaki kaso may jowa na! Sayang!

Tch! Nagaral ako ng mabuti para sa magandang buhay. Hindi ako nagaral sa mamahaling eskwelahan para kumabit! Like the! Sayang naman yung pinagaralan ko kung kakabit lang ako...Tch!

Dumating na ang order ko kasabay ng order ng nasa katabi kong lamesa. Bakit ba pinapanood ko sila? Para akong cctv na pinapanood ang mga galaw nila.

Biglang tumayo yung babae at nagpaalam na magccr lang. Tumango naman yung lalaki at humigop sa kape niya.

Turuan ko kayo kung paano maging marites!

Nang makaalis yung babae ay nakita kong may nilabas na maliit na bote yung lalaki! Teka alam ko yung laman ng bote na yun ah! Gusto kong magaral sa medical field kaya kahit papaano ay inaaral ko na yung mga basics na pwede kong matutunan.

Inaaral ko din ang iba't ibang klase ng poison at chemical para kung sakaling gusto kong lasunin yung ex ko ay pwede kong gawin! Char!

Sa malayuan kung titignan ko ang bote ay para siyang...simpleng gamot lang. Pero kung alam mo ang bagay nayon ay malalaman mong isa siyang lason!

Nakita kong nilagay niya yon sa inumin ng babaeng kasama niya! Teka! Akala ko magjowa sila pero bakit nilalason niya yung kasama niya?

Biglang binalik ng lalaki yung bote sa bulsa niya nang makita pabalik na yung babae. Ako naman ay inayos ang gamit ko at inihanda para sa pagalis ko. Pero inantay ko muna yung babae.

Nang makaupo ang babae ay hinawakan niya na ang tasa na iinuman niya at akmang iinom na pero bigla akong lumapit sakanya dahilan para matigilan siya at hindi mainom ang kape niya.

"Alam mo bang pwede kang mamatay kapag ininom mo yan?" biglang sabi ko na ikinakunot ng noo nung babae.

"Anong pinagsasabi mo?" nakakunot ang noong sabi niya.

"Bakit hindi mo tanungin yung kasama mo?" sabi ko habang nakaturo sa kasama niyang lalaki.

Gwapo ka pa naman sana! Kaso may masama kang balak...Tch! Ano kayang binabalak niya after mainom ng babae yung kape na nilagyan niya ng lason?

Bigla humarap yung babae sa kasama niyang lalaki at nagbigay ng nagtatanong na tingin. Agad naman nagtaka yung lalaki at tumingin sakin.

"Nilagay ko lang yung gamot mo! Ayaw mo kasing inumin kaya mas mabuti pang isikreto ko ang paglalagay para hindi mo mamalayan" depensa naman nitong isa.

"Tch! Kelan pa naging gamot ang potassium cyanide?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Bat ba pakielamera ka!?" inis na tanong nung lalaki.

"Bat ba ayaw mo pang umamin?" tinaasan ko siya ng kilay

"Tumigil na nga kayo!" inis na awat nung babae.

Masama ang tinginan namin netong pangit na kaharap ko! Pangit na siya ngayon! Kanina gwapo ngayon pangit na! Kapag may masama kang balak, kahit na gwapo ka. Pangit ka na dahil sa masama mong ugali.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon