Inaantay kong bumaba si athena nang biglang may bumunggo sakin. Agad kong hinarap kung sino yon at napangisi ako nang makita si cheian."Ba't nandito ka?" tanong niya.
"Ba't nandito ka?" may pagdidiin na tanong ko.
Ngumisi siya sakin "Inaantay yung girlfriend ko" nakangising sabi niya.
"May girlfriend ka pala diyan? Di mo naman sinabi na girlfriend mo pala si cheska!" sarkastikong sabi ko.
Agad sumama ang timpla ng mukha niya. Si cheska ay isa sa mga kaibigan ni fran na mukhang payaso dahil sa kapal ng make-up sa mukha. Tch! Wala paring mas kakapal sa mukha niya.
"Ikaw anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong niya.
"Inaantay din ang girlfriend ko" nakangising sabi ko na ikinatawa niya.
"Nagbalikan na pala kayo ni ally? Congrats!" nakangiting sabi niya kaya nawala ang ngisi sa labi ko.
Magsasalita pa sana ako nang bumaba na sila athena mula sa hagdan. Kasama niya ang kaibigan niya na si jaydee.
Pinigilan kong matawa dahil sa reaksyon ni cheian nang sabihin ni jaydee na mas gusto niya sa suggestion ko. Nginisian ko lang siya bago sumunod kila athena.
"Epal! Doon ka nga" inis na sabi ko nang makitang may inaabot na platong may laman si cheian kay athena "May lason yan kaya eto nalang ang kainin mo" sabi ko sabay kuha ng platong dala ni cheian at inabot iyon kay jaydee.
"Kapag may lason sakin dapat mapunta?" sarkastikong tanong mi jaydee na tinawanan ko lang.
Humiwalay din si cheian samin gawa narin siguro ng pagkairita. Umupo na kami sa bakanteng upuan malapit sa dagat at nagsimulang kumain.
Tinanguan ko lang si jaydee upang malaman niyang kailangan niya na muna kaming iwan ni athena na tinanguan niya lang.
"Bakit nga ba hindi kita niligawan noon?" biglang tanong ko nang makaalis si jaydee.
Halata ang gulat sa mukha niya ng banggitin ko ang katagang yon dahil bigla siyang nabulunan at umubo ubo.
Tinulungan ko lang siyang mawala ang bara sa lalamunan bago magsalita ulit.
"Masanay kana. Pagisipan mo" nakangiting sabi ko at tumayo na.
...
Nakipagsabayan nanaman ang asungot na cheian sakin habang papalapit kay athena. Medyo malayo sila sa pampang at lumalakas na ang alon.
Pagkalapit namin ay agad niya kaming tinanong. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.
"Wag niyo akong tignan please" pagmamakaawa niya pa.
"Baka naman matunaw tong bestfriend ko" nakangising sabi ni jaydee at inakbayan si athena dahilan para lumubog ito.
Agad ko siyang hinila pataas dahil baka malunod siya. Bigla siyang yumakap sakin habang habol habol ang hininga. Napangisi ako dahil sa biglaang pag-yakap niya.
"Bitawan moko" sabi niya pero agad akong umiling.
Ang mga ganitong opportunity ay hindi dapat pinapalampas
Tumingin siya kay jaydee na ngayon ay nakikipagharutan na kay thunder. Yan ang kapalit ng deal naming dalawa.
Sunod siyang tumingin kay hans na nalaiwas ng tingin at sunod naman kay cheian na ngayon ay papalayo na samin. Agad siyang bumuntong hininga at seryosong humarap sakin.
"Ibaba mo na ako" seryosong sabi niya.
"Ikaw ang kumapit sakin" nangaasar na sabi ko "Bakit hindi mo panindigan ang pagkapit mo?" nakangising tanong ko pa.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...