Anong mararamdaman ko ngayon? Maiilang o magagalit? Bakit? Bigla akong kinaladkad ng mga kasama ni chiean papunta sa likod ng campus! Hindi ko mga kakilala tong kasama niya! Wala si kenneth at thunder.
"Ano ba?!" inis na tanong ko nang humarap sakin si chiean
"Ang sungit mo! Magte-thank you lang ako" sabi niya.
"Para?" nakataas ang kilay na tanong ko
"Kase binoto mo ako" nakangiting sabi niya.
"Ginawa ko lang yon kase gusto ko ng umuwi!" sabi ko at nagiwas ng tingin.
"Bakit ba ang sungit mo ha?" inis na tanong niya kaya napaharap ako sakanya at pinanlakihan siya ng mata.
"Ikaw kaya hindi ko saluhin at biglang bumagsak at nadurog ang buto! Tapos ngayon tatanungin mo kung bakit ang sungit ko? Adik kaba?" inis na sabi ko sakanya.
Tinitigan niya ako at "Sorry" sinserong sabi niya na ikinabigla ko! Sobrang sincere ng pagkakasabi niya non!
Iniwas ko ang tingin ko at pilit pinakalma ang sarili ko "Para saan nanaman?" kunyari walang pake na tanong ko.
"Sorry kase hindi kita nasalo kahapon" ramdam ko ang pagiging sinsero niya sa sinabi niya.
"Wala na tayong magagwa tungkol dun dahil durog na ang buto ko!" inis kunwaring sabi ko at tinalikuran na siya.
Malapit na ako sa classroom nang biglang may humila sakin papunta sa gilid ng classroom! Anak ng! Puro hilahan ang nagaganap ngayon ah! Ginawa ba naman akong lubid.
"May gusto ka ba don?!" galit na sigaw ni Gino.
Bakit nagagalit ka?
"Wala" parang kawawang sabi ko.
"Eh bakit ganon ka kung tumitig kanina sakanya?" kunot noong tanong niya.
"Paano ba ako tumitig kanina?" nakangising tanong ko sakanya.
"Ganto" sabi niya at tinitigan ang mga mata ko at tsaka dahan dahang lumapit sakin.
Nanghihigop yung mga mata niya! Hindi ko nagawang itulak siya at iiwas ang paningin ko! Parang inaakit ako ng mga mata niya at sinasabing 'titigan mo lang kami'!
Naaning na ata ako!
Mabilis kong tinulak siya at dinuro siya sa mukha.
"Hindi ko lumapit ng ganyan sakanya ah!" depensa ko.
"Hindi ba?" tanong niya.
"Hindi!" sigaw ko sakanya "Atsaka isa pa ano bang pakialam mo kung may gusto ako sakanya?" nakataas ang kilay na tanong ko sakanya.
Hindi niya ako sinagot at umalis na agad! Tignan mo tong taong to! Pagkatapos akong hilahin papunta dito bigla akong iiwan!
Umalis na ako dun at akmang babalik na sa classroom kaso bigla kong nakasalubong si Hans.
"Oh? Anong ginagawa mo diyan?" takang tanong niya habang sumisilip pa sa likod ko.
"Ahh. Ano. Yung. Kinakausap ko yung lamok!" palusot ko habang nakaturo pa sa pinanggalingan ko.
"Ano namang sabi ng lamok?" natatawang tanong niya
"Wala! Sinabi ko lang sakanyang wag niya akong kagatin" sabi ko at dumiretso na sa classroom para kunin ang mga gamit ko.
Paglabas ko ng gate ng school ay may biglang bumusina sa likod ko kaya hinarap ko yon at nakita ko si jaydee habang kumakaway pa.
Lumapit ako sakanya "Akala ko ba next week pa?" tanong ko habang nakatingin sa kulay pula niyang kotse.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...