Kagaya ng sinabi ko kay karylle ay lumabas kami ni gino ng isang linggo. Puro pag-gala lang ang ginawa namin. Bonding at walang ibang inisip.Ngayon ay nakasakay ako sa bus pauwi ng bulacan. Wala akong choice kung hindi ang umuwi ng bulacan. Nagaalala ako kay mama. Kahit sabihin niyang nahulog siya sa hagdan o tumama sa kung saan ay hindi ako makapaniwala na doon niya nakuha ang bangas niya.
Mabilis lang akong nakarating sa bahay. Kumatok ulit ako at bumungad sakin ang may bangas na mukha ni mama sa gilid ng labi. agad kong naibaba lahat ng gamit ko at lumapit sa kanya.
"Bakit may bangas ka?" naiiyak na tanong ko.
"Wala to, bakit nandito ka? Magbabakasyon ka ba? Andyan din si kenneth kaya siguradong magbabakasyon ka sige na pumasok kana" mabilis na sabi niya at saka dumiretso sa kusina.
Lalo akong nagalala kay mama. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha yung mga yon at ayaw niya pang sabihin!
Dumiretso ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung nasan ang kapatid ko. Baka nagtatrabaho o naggagala gala kung saan saan kasama ang asawa niyang hilaw.
Pagbaba ko ay wala na si mama. Lumabas ako ng bahay para tignan kung nandoon ba siya pero wala. Dumiretso nalang ako sa bahay nila ally.
Kumatok ako at bumukas naman kaagad yon. Ang mama ni ally ang nagbukas non at akala ko ay itataboy niya ako pero ngumiti siya sakin.
"Pasok ka athena" nakangiting sabi niya "Nasa kwarto si ally at nagbabasa ng libro" dagdag pa niya tsaka dumiretso sa kusina.
Ano bang meron sa kusina at doon madalas nagpupunta ang mga nanay namin ngayon? Anong trip nila.
Dumiretso ako sa kwarto ni ally. Bago ako pumasok ay kumatok muna ako hanggang sa marinig ang boses ni ally na sumigaw ng 'Pasok'
Pumasok ako ng kwarto niya at agad nanlaki ang mata niya nang makita ako.
"Kamusta?" tanong ko sa kanya "Magaling kana ba?" tanong ko ulit at tumango naman siya.
Napansin kong tinataob niya ang picture frame na nakapatong sa maliit na lamesa niya na nasa tabi ng kama niya.
Natawa ako "Wag mo na itago, alam ko naman na" natatawang sabi ko at saka naupo sa gilid ng kama niya "Masaya ka ba sa kanya?" tanong ko.
"Athena.." mahinang tawag niya sa pangalan ko at ngumiti naman ako.
"Wag kang magaalala dahil nandito ako para makipagayos sayo" sabi ko na ikinangiti niya.
"Talaga?" tanong niya at tumango ako "Tanggap mo na? Okay lang sayo?" magkasunod na tanong niya kaya natawa ako.
"Matagal ko nang natanggap ally, Panahon nalang ang inantay ko" nakangiting sabi ko "Kung masaya ka edi masaya ka. Masaya na din naman ako ngayon kaya quits na yon" natatawang sabi ko at tumawa din siya
"Anong nakain mo at parang wala ng sakit?" takang tanong niya.
"Ah so gusto mo damdamin ko hanggang sa kabaong ko?" kunyari inis na tanong ko sa kanya.
Tumawa siya "Nakakagulat lang" natatawang sabi niya.
Hindi ko inaasahang magiging ganito kadali ang paguusap namin ni ally. Hindi ko inaasahang magiging maayos kaagad kami. Siguro matagal ko na talagang napatawad sila ally kaya ganito nalang kadali sakin na kausapin siya.
Nang matapos ang usapan namin ay agad na akong umuwi sa bahay namin. Naabutan ko yung lalaki ni mama na nakahiga sa sofa at nanonood ng tv.
Pumasok ako at masama ang tingin niya sakin na inirapan ko lang. Pakielam ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...