Saan ko kaya matatagpuan ang bahay non! Kanina pa ako paikot ikot dito ni hindi ko manlang mahanap yung binigay niyang address!Paano ang nakalagay lang doon ay yung kulay ng bahay nila! Matapos ibigay ang address ay hanapin ko daw yung may kulay puting bahay! Ang dami kong nadaanan na puting bahay at ni isa don hindi ko nakita si jam!
Makakapatay na talaga ako eh! Buti nalang at binigay ko sakanya ang number ko kahapon para doon niya isend ang address niya!
Kung hindi ka ba naman siraulo eh, bakit mo ibibigay ang address ng bahay niyo tapos kulay lang ng bahay! Hindi nalang sinabi kung anong exact address ng bahay nila. Boset!
Tinawagan ko ang number na nagtext sakin kahapon na number niya. Mas mapapadali ang paghahanap ko kung tatawagan ko na tong impaktong to. Naka dalawang ring lang bago sagutin
["Hello"] parang inaantok pa na sagot ng nasa kabilang linya
"Hello! Jam! Ako to si athena! Ano ba! Asan na ba yung puting bahay niyo!" inis na tanong ko
["Ayy oo nga pala! 10:30 na! Bakit hindi ka manlang tumawag!] parang inis na sabi niya. Wow! Siya pa yung galit! Pasensya ha! Pasensya! ["Oh! Nasa tapat ka na pala ng bahay namin eh"]
Pagkasabi niya non ay napaharap ako sa bahay na nasa likuran ko at nakita ko nga si jam na nasa taas na bintana at kumakaway pa!
Itutulak kita mula diyan mamaya! Antayin mo lang na makapasok ako diyan sa bahay niyo!
"Bilisan mo na. Wag mo akong kawaykawayan diyan at kumilos kana!" inis na sabi ko "Alam mo bang umiinit na! Kapag ako hinimatay dahil sa init pagbabayaran mo to jam!" inis na sabi ko at pinatay ang tawag.
Simula bata ako pagpatak ng tanghali ay hindi na ako pinapalabas ng nanay ko dahil mabilis akong mahilo lalo na kapag mainit ang paligid ko. Pero hindi naman na ganon kadalas mangyari yon. Minsan kapag naglalakad ako pauwe galing school ay lagi akong may dalang payong para sigurado.
Narinig kong bumukas ang gate nila jam at lumabas ang isang babaeng mukhang mga nasa 40s ang edad. Mukha siyang bata at maputi ang kanyang balat at...kahawig niya si Jam!!
"Hello iha" nakangiting bati niya sakin "Pasensya kana at napagintay ka namin. Eto kasing si jam late na gumising eh" parang naiinis na sabi niya pa "Ay siya nga pala ako nga pala si Kathleen Huazon mommy ni jam" nakangiting pagpapakilala niya sakin.
Nginitian ko din siya at nagpakilala "Ako po si Athena Santiago classmate ni jam slash tutor" natatawang pagpapakilala ko.
"Naikwento nga ni jam na ikaw lang ang nagiisang babae sa school nila" nakangiting sabi niya "Hindi ko inaakalang napakaganda mo pala sa per-" natigil sa pagsasalita si Ma'am kathleen nang biglang sumingit si jam
"Ma! Alam mo bang nagrereklamo na yan sakin kanina kase umiinit na daw tapos ikaw nakuha mo pang makipagkwentuhan diyan sa labas?" inis na sabi ni jam sa mommy niya. Walang modo tong walanghiyang to!
"Hoy ayusin mo nga ang pakikipagusap mo kay maam kathleen" saway ko kay jam.
"Ano ka ba iha! Tita kath nalang! Ginawa mo naman akong teacher" natatawang sabi ni tita kath "Tsaka pabayaan mo na yan si jam dahil mas mainit pa ang ulo niyan kesa sa may mga dalaw na babae" bulong niya sakin at hinila na ako papasok.
Biglang lumapit sakin si jam at bumulong. Natawa pa nga ako sa itsura niya dahil nakakunot ang noo niya.
"Anong binulong ni mommy sayo?" Mahinang bulong niya.
"Wala! Sabi niya umiihi ka daw sa kama mo" natatawang sabi ko.
"Ma!! Hindi kaya ako umiihi sa kama ko" parang batang sabi ni jam
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Novela JuvenilAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...