Chpater 41 {Mafia Game}

491 27 0
                                    

Guys! This is just a game!! I just wanna share it with you, pero kung ayaw niyo edi wag! Skip niyo nalang tong chapter na to:)

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Sabi nga nila, don't let your personal life affect your work. Be professional at yon ang gagawin ko.

Nakangiti akong naglalakad patungo sa classroom ng 8-B. May klase ako sa kanila at dalawang oras ang klase ko sa kanila dahil hiniram ni ma'am kc ang time ko kahapon kaya 2 hours ang klase ko ngayon.

Habang naglalakad patungo sa classroom ng 8-B ay may mga estudyante akong nadadaanan na binabati ako. Ngingitian ko lang sila at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makapasok sa classroom ay agad akong binati ng mga estudyante ko. Binati ko din sila at saka nilapag ang dala kong papeles sa teachers desk sa harapan.

"Good afteenoon class" nakangiting bati ko "Nakapaglunch na ba ang lahat?" tanong ko at nakangiti naman silang sumagot.

After 9 years ay isa na akong ganap na guro sa eskwelahan ni daddy. Naging maayos ang takbo ng buhay ko ng makabangon ako mula sa pangyayaring pilit kong kinakalimutan noon. Masaya na ako sa buhay ko ngayon.

"Magkakaroon tayo ng project" panimulang sabi ko na ikinasimangot ng mga estudyante ko "Wag niyo akong simangutan baka ibagsak ko kayo lahat" sabi ko.

Sandali akong nagdiscuss sa kanila tungkol sa mga kabihasnang tinalakay namin nung isang araw. Nagtanong tanong din ako kung ano ang mga natatandaan nila tungkol sa diniscuss natin.

"Ngayon sasabihin ko na ang gagawin niyong project" nakangiting sabi ko "Namimili pa ako sa Mycenaean at Troy kung anong gagawin niyong project" sabi ko at lumapit sa teacher's desk

"Ma'am dating gawi nalang!" excited na sabi ni janice.

Agad akong ngumiti at tumango. Eto ang dahilan kung bakit halos lahat ng section sa school na to ay gusto akong gawing subject teacher nila.

After ng klase ko ay uwian na kaya madalas ang ibang estudyanteng nauunang lumabas ay sumisilip sa bintana namin para panoorin kung anong gingawa namin.

Nagpapalaro ako para hindi mabored ang mga estudyante ko. Ginagawa kong laro minsan ang mga lesson namin para hindi sila mabored. Minsan ay nagpapatawa ako para naman hindi sila antukin sa klase ko.

Ginagawa ko yon para mas magising sila at matandaan ang bawat topic na aaralin namin. Like..'Ah nung naglaro tayo ng pasahan ng bote ay tinalakay natin yung tungkol sa mga likas na yaman'

Minsan ko lang din naman siya pinapagawa or ginagawang laro dahil mostly ay seryoso ako. Mas madalas nga lang umiiral ang pagiging makulit ko hehe.

"Oh sige iayos niyo ang upuan niyo sa gitna" utos ko sa kanila "Sampung upuan lang ang kailangan at sampo lang din ang maglalaro" sabi ko kaya agad silang nagunahan sa paglagay ng upuan sa gitna at umupo doon.

Nagkatulakan na sila at nagkakasakita kaya lumapit ako sa desk ko at hinampas ko yon para gumawa ng ingay na makakapagpatahimik sa kanila.

"Wag na tayong maglaro!" inis na sabi ko kaya nagsiayos sila ng tayo "limang babae at limang lalaki lang ang kailangan. Mag jack en poy kayo para magkasundo kayong lahat" sabi ko at naupo sa monoblock chair.

30 mins pa ang oras namin pero alam kong kululangin ang oras na yon para sa gagawin naming laro. 20 mins nalang ang natitira matapos nilang mag jack en poy.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon