Eto na update! Galit agad kayo ihh. Sowi na bhie. Ang daming nagmemessage sakin tungkol sa update kaya eto na! Dapat after pa ng MWY ako maguupdate pero dahil ang dami niyo na nagmemessage sakin ay kailangan ko nang magupdate. Dapat last week pa ako maguupdate dito pero nawalan kami ng wifi tapos sumabay yung liga ng mga kuya ko kaya konting pasensya lang po mwaps! Enjoy reading mga bhie.
Ang dami kong sinabi diba?
• ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • ° • °
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising nalang ako dahil sa kumakatok sa pinto. Agad akong bumangon at binuksan yon. Bumungad sakin si gino. Don ko lang din napansing gabi na.
"Asan na si alexa?" agad na tanong ko nang makitang wala ng bata sa loob ng bahay.
"Nasa daddy na niya. Hindi daw alam ng tatay ni alexa na ganon ang nagyayari" paliwanag niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Magpahinga kana dahil maaga pa tayo bukas. Wala ka ng poproblemahin dahil nakalabas na din ng hospital si ally" nakangiting sabi niya.
"Salamat" nakangiting sabi ko sakanya
Nagpaalam na siya at saka lumabas ng unit. Hindi na kami nagusap ni jaydee dahil inaantok na daw siya at ako naman ay parang bibigay na ulit ang katawan ko dahil sa mga pangyayari.
°•°•°•°•°
Alas dos palang ay gising na ako. Inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko at nang natapos ay ginising ko na si jaydee.
Matapos kong gisingin si jaydee ay lumabas na ako habang daladala yung isa ko pang bagpack. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng chichirya, kape, cup noodles at softdrinks. Tama lang sa pang dalawang tao at pang tatlong araw ang kinuha ko.
Puro pag aayos at paghahanda lang ang ginawa namin ni jaydee hanggang sa mag oras na. Sabay kaming lumabas ni jaydee at saka dumiretso sa kotse niya.
Pagdating sa school ay nakita agad namin ni jaydee ang apat na bus na nasa labas. Marami na ding estudyante ang nakasakay at yung iba ay naglalakad lakad pa.
"Hindi naman siguro mawawala tong kotse ko sa school diba?" tanong ni jaydee habang pinapark ang kotse niya
"Hindi yan" sabi ko.
Bumaba na kami at saka dumiretso sa bus no.3 merong bakanteng upuan sa dulo. Sa may malapit sa bintana sana ako pepwesto pero inunahan ako ni jaydee! Wala akong choice kung hindi ang maupo sa tabi niya.
Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan na inuupuan ko at akmang matutulog na nang biglang may tumabi sakin! Pagtingin ko kung sino yon ay nakita ko agad si gino! Bakit katabi ko to? Nak ng!
"Bakit dito ka nakaupo? Doon ka sa harap!" sabi ko at pilit siyang tinutulak.
"Wag kang manulak! Dito ako kasi dito ko gustong umupo" nakangising sabi niya kaya inirapan ko nalang siya bago ihiga ang ulo ko sa balikat ni jaydee.
Pipikit na sana ako pero nilipat ni gino ang ulo ko sa balikat niya "Naiinggit ako eh" sabi niya tsaka ipinatong ang ulo niya sa ulo ko "Wala ka namang kuto diba?" tanong niya kaya agad kong hinampas ang hita niya. At narinig ko naman ang tawa niya.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...