Today is the day!!! Let's go monday!!Naglalakad kami ngayon ni ally at nung kasama niya sa unit papunta sa university na papasukan namin. Hindi ko padin alam ang pangalan nung roommate niya.
Malapit lang kase yung building na tinitirhan namin sa school na papasukan ko kaya mas makakatipid ako kung lalakarin ko lang to araw araw.
Meron na kaming nadadaanan na iba't ibang school hanggang sa huminto yung dalawa at tumawid. Nakatitig lang ako sa kanila habang tinitignan yung school na tinawiran nila.
"Hindi ka pa ba tatawid?" tanong ni ally sakin.
"Huh? Dyan na ba?" takang tanong ko at tinignan ang pangalan ng school na tinawiran nila ally.
S campus? B Campus yung school ko na inenrollan ko. So...?? Hindi ito yung school ko? Pero dito yung school ni ally?
"Ayy hindi! Hindi diyan yung school ko eh" sabi ko at mabilis na naglakad palayo.
Baka bigla pang tanungin ni ally kung saang school ako nagaaral, nakakahiya! Ang akala ko pa naman ay parehas kami ng school na papasukan!
Lumakad pa ako ng konti at nakita ko na ang school na hinahanap ko, hays. Hindi pala dito nakaenroll si ally:(
Lumakad na ako palapit sa gate kung saan nakaabang ang school guard at papasok na sana ako nang bigla akong hinarang ni kuyang guard.
"Maam bawal po kayo dito. Tanging estudyante lang po ng B campus ang pwedeng pumasok dito" paliwanag ni kuyang guard.
"Pero estudyante po ako dito" depensa ko at pinakita ang i.d ko. Nang makita naman ni kuya yon ay agad siyang tumabi at pinadaan ako.
Oo may id kami. Pinakita ng kausap ko online kung paano ang format ng i.d nila. Since newbie daw ako at sa malayo pa ako manggagaling, kailangan ko daw ng temporary i.d dahil hindi ako papapasukin kung wala ako non.
Pero paano nalaman ni kuya guard na hindi ako estudyante dito eh hindi pa naman niya nakikita yung temporary i.d ko? Tsaka hindi naman kasama sa requirements ang uniform dito sa school. Ang nakalagay dun sa g-form ay you can wear anything comfortable.
Napatingin ako sa suot ko. Nakasuot lang ako ng isang black fitted jeans at isang black top na pinatungan ko ng plaid na polo at pinartneran ko ng white pair of shoes. hindi ko nga alam kung pwede tong ganitong suotan eh HEHEHE
Pumasok na ako sa loob ng school at napansin ko ang mga lalaking nakatingin at nakatitig sakin. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Tsk. Tsk. Tsk.
Sabagay! Kapag bago ka sa school ay pagtitinginan ka talaga dahil bago ang mukha mo para sakanila. Sino ba naman ang hindi magugulat kapag ngayon ka lang nakakita ng ganitong ganda? Ang hangin.
Hindi ko na sila pinansin at hinanap nalang ang section ko. Medyo malaki tong school na to kaya nahirapan akong hanapin yung section ko.
Siguro kung may bayad lang ang paglalakad ko dito ay marami na akong naipon. Ilang beses pa akong umikot ikot at parang isang daan lang ang binabalik balikan ko. Ang hirap naman hanapin ng pisteng section na to!
Nang nakita ko na ang section ko ay dere-deretso akong pumasok at hindi pinansin ang nasa paligid ko. Kahit matatalim at parang matutunaw na ako sa mga titig na yon ay di ko ko nalang pinagtuonan ng pansin.
Nang makapasok ay nakayuko lang ako dahil kunyari mahiyain tayo pero nang mapansin kong tahimik ang buong paligid as in sobrang tahimik na kahit ang paghinga nila ay hindi mo maririnig ay inangat ko ang tingin ko at ganon nalang ang gulat ko nang makitang puro lalaki ang nasa paligid ko...at wala ng bakanteng upuan
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...