Monday-Wednesday is so boring!! Nabobored na talaga ako sa buhay ko. Wala kaming ibang ginawa kung hindi mag practice. Parang hindi na pagaaral ang ginagawa ko dito kung hindi puro pagsayaw na!
Hindi ko na nga alam kung anong role ko dito sa school na to eh. Like duh! Ang hirap makipagsabayan sa kwentuhan ng mga lalaki dahil hindi ako makarelate sa mga topic o kung ano mang pinagkekwentuhan nila.
Pero kahit ganon ay hindi ako iniwan ni alex. Lagi niya akong kinakausap para lang hindi ako ma-op. Parati rin kaming nagkasama tuwing kakain sa canteen.
Nanibago nga ko eh. Last week lagi akong inaasar nila gino at jam pero ngayon parang tahimik sila at ayaw nila akong pansinin. Nauntog ba yung dalawang yon? Natauhan ganon?
Hindi naman siguro dahilan yung pagsigaw ko dito dahil nakasayawan ko pa si gino last thursday at nagcomment pa siya sa isang viral vid ko.
Bakit kaya hindi na sila nanamansin?
"Huy okay ka lang?" biglang tanong ni alex na nakapagpabalik sakin sa ulirat.
Magkasama kami ngayong kumakain sa canteen. Kami nalang! Ewan ko kung bakit hindi na sumasama samin si carl. Siguro mga may topak o kaya mga wala sa mood. Ewan!
"Ready kana ba para bukas?" tanong niya.
Parang iba ang dating sakin ng tanong niya. Saan ba ako dapat maging ready? Sa sayawan ba o sa kung saan. Pero lagi naman akong ready eh! Kahit anong bagay pa yan. Ready ako!
Hindi ko na siya sinagot at tumango nalang. Parang nakakatamad kasi magsalita ngayon. Ewan ko ba kung bakit parang ayaw bumukas ng bibig ko. Kung bubukas man parang walang lalabas na salita.
Hindi ko alam pero pinipigilan ko na yung sarili ko na ma attach kay alex. Baka kasi ako lang yung mahirapan pag dating ng panahon. Mahirap na lalo pa't hindi ko pa naman siya lubos na kilala.
"Athena..." biglang tawag sakin ni alex kaya napatingin ako sa kanya "May problema ka ba sakin? Simula nung monday napansin kong iniiwasan mo na ako" sabi ko na nga ba at mahahalata niya ako eh! Bakit kase...hays! Ang hirap iexplain.
"Wala..." mahinang sagot ko at pinagpatuloy nalang ang pagkain.
Wala na. Hulog na ang lola niyo. Aminado na ako at hindi ko na kayang itanggi pa! Bat kase ang daming lalaking ang galing magbigay ng motive tapos ang ending...'Gusto kitang maging kaibigan', Yawa oy!
Nanahimik nalang si alex at pingpatuloy din ang pagkain. Siguro ay napansin niya ang itsura ko kaya hindi na siya nangulit pa. Tsk. Ang awkward tuloy!
Matapos kumain ay bumalik na kami sa klase at inantay ang susunod naming teacher pero nagulat kami nang hindi ang sunod na subject teacher namin ang pumasok kundu ang adviser namin.
Ano nanaman kayang kailangan neto ni jake? Char!
"Goodafternoon class" nakangiting bati ni sir
Bakit kaya si sir jake yung nandito sa classroom ngayon? Wala ba siyang klase o baka wala ang subject teacher namin ngayon kaya nandito siya para iannounce na free time namin?
"So andito ako ngayon para idiscuss ang gaganapin na event para bukas" panimulang sabi niya. tsk! Yun lang pala "Ang unang mangyayari bukas ay yung dance battle nila athena" dagdag niya na ikinalaki ng mata ko "May mga dares na hindi connected sa pagsayaw kaya paghanadaan mong mabuti athena" paalala pa ni sir "Sunod ay ang basket ball at sunod sunod na ang sports na hindi niyo naman sinalihan" tch! Dance at basketball lang pala yung ambag namin don.
Nakakahiya naman! Bakit yung dance battle ang una? Dapat dance opening ang sinabi nila para mas aware ako, tch!
"Sir. San po ba gaganapin yung event?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...