Chapter 19

624 32 0
                                    

Matapos kong magluto ay hinain ko na sa lamesa ko ang mga pagkain. At dahil hindi kami kasya sa lamesa, Ang iba ay nasa sala

Si Jam, Si Gino, Si Hans at Si Cris ang kasama ko sa lamesa ngayon at hindi ko yon gusto! Dahil bunganga palang ni hans ay hindi ko na nagugustuhan! Dinaig pa ang babae sa sobrang talak ng bunganga!

"Tapos sabi pa nung tindera du-" hindi ko na pinatapos pa ang kwento niya dahil naririndi na ako!

"Alam mo bang kapag nasa hapag kainan ako ay hindi ako nagiingay" mataray na sabi ko sakanya.

Tumahimik naman siya at tumingin sa pagkain niya "Syempre hindi ka magiingay dahil magisa ka lang naman sa unit mo" dinig kong bulong niya "Pag may nakakita sayong kausap mo ang sarili mo malamang masasabi nilang baliw ka" bulong na dagdag niya pa.

Hindi na ako kumibo pa dahil kapag pinatulan ko pa ay baka lalong dumakdak!

"Pagkatapos niyong kumain ay magsipaguwi na kayo dahil maghahating gabi na" sabi ko sakanila matapos tignan ang wall clock na nakasabit malapit sa pinto ng kwarto ko.

"Salamat nga pala sa pagkain Athena" nakangiting sabi ni Jam.

"Wala yon. Mas mabuti ngang ako nalang nagluto dahil kung hindi pa kita naabutan sa kusina ko kanina ay paniguradong pati kusina ko ay itim na rin!" natatawang sabi ko sakanya.

Nahagip ng paningin ko ang masamang tingin sakin ni hans.

"Bakit?" nakakunot na tanong ko sakanya. Pero iniiwas niya lang ang paningin niya at bumulong.

"Hindi daw nagiingay kapag nasa hapag kainan. Pabida" dinig kong bulong nanaman niya.

"Kung bubulong ka siguraduhin mong hindi ko maririnig" sabi ko sakanya na ikinalaki ng mata niya.

Natahimik na kami at kumain nalang. Walang salitang lumabas sa bibig namin habang kumakain

Matapos kumain ay nagsipagtayo na sila at nagpaalam na aalis na. Sinabihan din ako ni Jam na wag na daw muna akong pumunta sakanila bukas para sa tutor at magpahinga nalang daw ako.

Nang makaalis silang lahat ay nilinis ko na ang mga pinagkainan namin at sinimulang maghugas ng pinggan.

Ngayon ko lang nagamit halos lahat ng pinggan ko ah

Nang matapos maghugas ay nagpunta ako sa sala at naupo sa sofa. Kailangan kong magpahinga dahil pakiramdam ko umiinit ang katawan ko at dahil narin siguro yon sa pagpapaulan ko kanina.

Pagkaupo ko ay may naupuan akong matigas na bagay kaya napatingin ako sa inupuan ko at nakita ko ang kulay brown na...Wallet?

Kanino naman kaya to?

Sa kadahilanang gusto kong malaman kung kanino ang wallet na yon ay binuksan ko at bumungad ang dalawang picture na nasa loob ng wallet. Agad kong kinuha yon at tinignan.

Kay Gino to!

Sa unang picture ay mukha niya yon na parang stolen shot dahil nakatingin siya somewhere habang nakatagilid at ang gwapo niya tignan don!

Sa pangalawang picture naman ay may kasama siyang magandang babae na medyo maliit sakanya. Nakapatong ang kamay niya sa ulo ng babae at nakangiti habang yung babae naman ay parang naiinis na ewan

Pero unang kita ko palang sa picture ay parang nakilala ko ang babaeng kasama niya. Parang nakita ko na to ng isang beses at hindi ko matandaan kung saan

Marami na akong nakitang babae sa campus at sa labas ng campus kaya siguro napapamilyaran ko ang babaeng to. Paanong hindi ko matatandaan eh halos lahat masama kung tumingin.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon