"Ang sabi kase ng mama ko patay na daw yung papa ko eh. Hindi ko na kase siya naabutan. Pero nung naghahalungkat ako sa cabinet ni mama may nakita akong picture nila ni papa kaya kahit papaano alam ko naman ang itsura niya" mahabang kwento ko.Natagpuan ko nalang ang sarili kong kinekwento kay jam ang buhay ko matapos niya akong aluhin kanina.
Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at napagdesisyonan kong ikwento sakanya yung buhay ko. Siguro napagkamalan ko siyang si ate charo.
"Ang narinig ko pa kanina ay may panganay na kapatid ka pa?" takang tanong niya.
"Ah oo! Babae daw yun eh! Para daw makakin kami ng tatlong beses sa isang araw at para gumanda ang buhay ng kapatid kong yon. Kailangan siyang ipaampon" malungkot na sabi ko.
Bakit kase kailangan dumaan ng mga tao sa kahirapan! Hayystt ang hirap ng buhay! Kailangan mo pang ipaampon ang isa sa mga anak mo para makakain ng maayos.
Hindi mo naman masisisi ang magulang. Pero may dalawang posibilidad kung bakit sila nagpapaampon ng anak nila. Una, alam na nila ang hirap ng buhay nila kaya kailangan nilang ipaampon ang anak nila sa alam nilang mabibigyan ng maganda kinabukasan ang anak nila.
Pangalawa, gusto nilang ipaampon ang anak nila para mabawasan sa gastusin nila. At kahit alin sa dalawa ay alam kong mali! Bakit mo naisipang mag-anak kung hindi mo pala kayang buhayin diba?
Pero hindi ako pwedeng magsalita ng tapos hangga't hindi ko alam ang naging buhay ni mama dati bago niya ipaampon ang babae kong kapatid.
"Edi hindi mo pa nakikita ang ate mo na yon?" tanong niya.
"Hindi pa! Kase imosible namang maalala ko pa siya! 17 years na ang lumipas kaya imposible talaga yon" sabi ko.
"Ang lungkot nga ng buhay mo" malungkot na sabi niya.
"Tch! Teka nga! Nandito ako dahil itututor kita! Hindi ako nandito dahil gusto kong ikwento sayo ang buhay ko!" galit galitang sabi ko.
Tumawa siya at dumiretso sa study table niya para kuhanin ang mga librong gagamitin namin.
Napatingin ako kay jam. Hindi ko maiwasang isiping parang nahanap ko na ang pinaka safe place na pagsasabihan ko ng mga problema ko. Nararamdaman kong hindi niya ikekwento sa iba ang kwento ko.
Alam kong weird tignan na sa 'enemy' ka nagsasabi ng problema mo kasi they can use it against you pero parang ang gaan kasi ng loob ko kay jam.
Sabi nga nila mas maganda daw magsabi ng problema sa mga lalaki kesa sa mga babae. Minsan kase ang mga babae ay nagpaplastikan lang. Pero kapag lalaki. Minsan totoo yung lumalabas sa bibig nila pagdating sa payo. YUN ANG NARIRINIG KO:)
Hindi ko naman nilalahat ng babae kasi yung mga dati kong kaibigan na babae ay magagaling at nakakatuwang magbigay ng payo. Kumbaga sa mga plastik ay alam mo nang pinaplastik kana nagbubulagbulagan ka pa.
"Athena" biglang tawag sakin ni jam matapos ilagay ang mga libro sa harap ko "May tanong ako sayo pero wag mo bibigyan ng malisya ha" sabi niya at umupo sa harap ko.
"Sige ano ba yon?" nakangiting tanong ko.
"Nag. N-Nagka..Nagkaboyfriend kana ba?" parang nagaalangang tanong niya.
"Ako? Syempre nagkaboyfriend na ako! Sayang naman yung ganda ko kung hindi pa ako nagkaboyfriend" pabirong sabi ko pero sa loob loob ko gusto kong magmura!
Alam niyo ba kung ano ang gusto kong mangyari kapag nagkaboyfriend na ako noon? Ang sinasabi ko noon ay gusto ko kapag nagka first boyfriend na ako ay yun na ang last. Siya na talaga yung makakasama ko hanggang pagtanda pero ano nangyari? Ngange.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...