Pagising ko kinabukasan ay naabutan ko si Jaydee na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv.
"Magdala ka ng payong mo athena! Mukhang uulan oh" sabi niya habang nakaturo sa labas ng bintana kaya napatingin din ako dun.
"Hindi yan" sabi ko "Maaga pa kase kaya medyo madilim ang langit" dagdag ko pa.
"Anong maaga pa! Eh sabi nga sa balita may bagyo daw" sabi niya habang nakaturo sa tv.
Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya "Wag kang magalala dahil kaya ko ang sarili ko" nakangiting sabi ko sakanya "Wag mo na muna akong sunduin at enjoyin mo ang ilang araw na hindi ka pa pumapasok dahil kapag pumasok kana ay maiistress ka kaya samantalahin mo na" sabi ko at dirediretsong nagtungo sa banyo.
Eh ano ngayon kung umulan? Edi umulan siya tch! Mas malakas padin naman ako kesa sa ulan na yan.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay jaydee na papasok na ako dahil baka malate nanaman ako.
Bago ako lumabas ng gate ay nakasalubong ko si janella. Ngumiti siya sakin kaya nginitian ko din siya.
"Goodmorning" nakangiting bati ko.
"Goodmorning din" nakangiting sabi niya din "Mukhang masama ang panahon ngayon ah? Pero bakit wala kang dalang payong?" takang tanong niya habang nakatingin sa mga bitbit ko.
"Hayaan mo na hindi naman ako lalabas ng school at paniguradong saglit lang naman ang ulan na yan" sabi ko.
"Sige ikaw ang bahala" sabi niya at nagpaalam na
Ganun ba talaga kalakas ang ulan para sabihan nila akong magdala ng payong ko? tch! Alam kong concern lang sila pero ayoko ngang magdala ng payong eh! Matigas ulo ko, oo!
Mabilis akong naglakad patungo sa school dahil hindi ko padin sigurado kung uulan nga o hindi kahit sinabi na nila na uulan nga.
Pagpasok ko ng gate ay nakasabay ko si hans kaya agad niya akong inakbayan.
"Wala kang dalang payong?" tanong niya.
"Bakit ba lahat kayo tanong ng tanong kung bakit wala akong dalang payong?!" inis na tanong ko.
"Hindi mo ba nakikita ang langit?" sabi niya habang nakatingala pa.
"Nakikita ko pero hindi uulan yan!" sabi ko.
"Oh sige pustahan!" hamon niya.
"Oh sige" sabi ko "Sa uulan ako" dagdag ko pa.
"Oh sige sa uula- teka! Sabi mo hindi uulan!" parang batang sabi niya "Sa hindi ka uulan at ako naman ang sa uulan" sabi niya at tumango naman ako "500 pesos" dagdag pa niya.
"500 pesos?!" gulat na tanong ko "Ang laki mo namang makipagpustahan!" sabi ko kaya tumawa siya.
"Natatakot ka ba?" nakangising tanong niya.
"Bat ako matatakot? Sige deal!" sabi ko "Sa hindi ka uulan at ako naman ang sa uulan 500 pesos" dagdag ko pa.
"O- hindi! Ako nga ang UULAN! AT IKAW NAMAN ANG HINDI UULAN!" inis na sabi niya kaya natawa ako. "Dinuduga mo na ako eh" nakangusong sabi niya.
"Nalilito lang ako! Sige na" sabi ko at sabay na kami naglakad papuntang classroom.
Nang makarating sa classroom ay maiinit na mata ang nakatutok samin pagpasok! Lahat sila nakatingin samin ni hans at hindi ko alam kung bakit parang namamaso yung tingin na yon!
Agad akong naupo sa upuan ko at nagintay ng teacher. Maingay ang classroom namin dahil puro kwentuhan at kulitan ang ginagawa ng mga bwisit kong kaklase.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...