Kulog.kidlat.kulog.kidlat
Anak ng! Paano ako makakatulog kung nakakatakot yung tunog ng kulog at kidlat?! Sa unit ko okay sana kase kasama ko si jaydee sa isang kwarto pero dito magisa lang ako. Ang laki pa ng bahay nila huhu!
Speaking of jaydee! Kinuha ko ang cellphone kong chinarge ko kanina at dinial ang number ni jaydee. Hindi ko alam kung gising pa siya ng ganitong oras pero ta-try ko padin.
["Hello?"] parang inaantok pa na sagot niya.
"Gising ka pa?" parang t*ngang tanong ko
["Hindi nagiisleep talking lang ako"] sarkastikong sagot niya ["Bakit nga pala wala ka pa? Anong oras na oh! Sabi ko kasi sayo magdala ka ng payong eh! Mapride ka din kasi"] sunod sunod na sabi niya.
"Nandito ako sa isa sa mga kaklase ko. Dito muna ako makikitulog" ayy!! Mali! Puro lalaki nga pala kaklase ko
["Ahh sige sabihan mo ako kapag may problema ka ah"] nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi niya naisip ang naiisip ko ["Ayy teka! Ano kamo nasa bahay ka ng kaklase mo? Edi ba puro lalaki kaklase mo?"] ayan na!
"Hello? Jaydee? Hello? Choppy ka! Jaydee hello?! Mahina na yung signal! Jaydee hello?" kunyaring sabi ko sabay patay ng tawag.
Paniguradong kung ano ano nanaman ang sasabihin nun kapag nalaman niya pa kung kaninong bahay ako nakituloy! Kasalanan naman kase si gino to eh! Hindi niya pa ako sinabay! Hindi nalang sinabing gusto pala ako makasama! Ehe!
Pumasok nanaman sa utak ko ang sinabi niya! Pag naging kami sasabihin niya lahat ng sikreto niya sakin? Tch! Hindi ko naman siya gusto! Ang yabang niya!
Lumabas ako ng kwarto ko at napagpasyahang lumabas ng bahay. Nang makalabas ako ay wala ng ulan kaya dumiretso ako sa malapit na pwedeng tambayan.
Bakit nga ba hindi nalang ako dumiretso sa unit ko? Pwede namang umuwi na ako dahil wala ng ulan! Sabagay ambastos naman tignan kung bigla nalang akong aalis ng walang paalam.
Hindi kase ako makatulog sa guest room nila gino dahil hindi ako sanay! Kaya didiretso nalang ako dito sa park na wala masyadong tao.
Pagkaupo ko sa bench ay may natanaw ako sa di kalayuan! Anak ng! Bakit nakangiti sakin? Ang creepy naman neto! Uy! Infairness ang puti ng ngipin! Hehe
Dahan dahang lumapit sakin yung taong yun! Unti unti akong kinakabahan! Gusto kong tumakbo pero parang may glue yung inupuan ko dahilan para hindi ako makagalaw!
Unti unti kong nakikilala ang imaheng yon dahil unti unti din siyang tumatapat sa ilaw! At nang makilala ko kung sino ay parang gusto kong tumayo at hampasin tong taong to!
"Hindi ko alam na dito ka pala nakatira" bungad niya ng makalapit sakin sabay upo sa tabi ko.
"Nakakatakot ka! Akala ko naman kung sino!" inis na sabi ko sakanya.
"Paano ka natakot eh ang layo ko kanina" kunot noong sabi niya.
"Ang puti ng ngipin mo! Kita ko! Ang creepy mo!" sigaw ko sakanya "Lumayo ka nga! Close ba tayo?" sabi ko at tinulak siya palayo! Ang lapit niya! Halos magkadikit na kami.
"Ang oa mo naman" sabi niya at umusod ng konti.
"Ikaw ang oa! Bakit ba nandito ka?" biglang tanong ko sakanya.
"Ahh" sabi niya at bumuntong hininga "Hindi ako makatulog eh" nahihiyang sabi niya.
"Tch! Kalalaking tao duwag" bulong ko "Ayy oo nga pala!" sabi ko habang nakaturo sakanya "Sumugod yung girlfriend mo sa school namin
at akala mo naghahamon ng away" pagalala ko dun sa babaeng napakaingay ng bunganga.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...