EPILOGUE

774 32 0
                                    


Nakangiti kong pinagmamasdan si athena habang nakaharap sa salamin. Ilang beses na siyang humarap diyan at nagtanong sakin.

"Ayos lang ba ang suot ko?" kunot noong tanong niya kaya napangiti ako.

"You're beautiful" sagot ko sa kanya.

"Tsk! Halika na nga baka malate pa tayo" sabi niya at saka hinatak ako palabas ng kwarto.

Ngayon ang reunion namin. Batch 2019-2020 highschool reunion. Paniguradong may dalang mga mapagmamayabang ang mga mokong na yon kapag nagkita kita na ang lahat.

Mabilis na sumakay si athena sa kotse ko at minadali pa ako kaya natatawa akong sumakay ng kotse ko at pinaandar yon papunta sa restaurant na gaganapan ng reunion namin.

"Ngayon ko nalang ulit sila makikita, pero sila hans ay nakita ko noong libing ni shane" kwento ni athena "Sila jeric, rain at iba pa ay hindi ko na nakita. Buhay pa kaya ang mga yon?" tanong niya kaya natawa ako

"Lahat sila ay may mga girlfriend na" sabi ko.

Naalala ko yung araw na nagyaya sila ng inuman at ako lang ang walang katable nung araw na yon. Lahat sila ay may kasamang mga girlfriend. Gusto pa nga ni carl ay humanap kami ng babae para lang may nakatable ako. Pero mabilis pa sa alas kwatro ang naging pagtanggi ko nung araw na yun.

Nang makarating sa restaurant ay agad akong bumaba at pinagbuksan ng pintuan si athena. Hinawakan niya ang kamay ko para gawing pang balanse ng katawan niya. Nang nakababa ay pinulupot ko ang braso ko sa baywang niya at iginaya siya papasok sa loob.

Nang makapasok sa loob ay agad naming nakita sina hans, alex at daniel kasama ang kanilang mga muse. Agad kaming lumapit ni athena sa kanila.

"Oh! Andito pala si athena, the only girl in our campus" nakangiting bungad samin ni hans. "Masungit to nung nagkita kami sa cafe eh, ayaw mamansin" nakangusong sabi ni hans kaya natawa ako.

Magaspang pala ang pakikitungo ng girlfriend ko sa mga naging kaibigan namin noon. Ngayon ko lang nalaman. Tsk. Tsk. Tsk.

"By the way! Si sheila nga pala, girlfriend ko" pakilala ni hans sa kasama niya "Yun naman si xyriel at syempre si fran" turo niya sa kasama ni daniel at alex.

"Nice to meet you, what's your name?" pabirong tanong ni fran kay athena.

"Bang" sagot ni athena na ikinakunot ng noo ni fran.

"Bang? As in bang! Sa baril?" tanong ni fran.

"Bang, bangungot mo! Napakamapagpanggap mong tao ka!" sigaw sa kanya ni athena kaya natawa si fran at ang iba pa.

Naupo na kami sa tabi ni alex. Nakipag fist bomb muna ako sa tatlo bago tuluyang naupo.

Sunod na dumating sina kenneth at ally. Hindi naman sila part ng batch namin pero dahil mapilit si kenneth ay nakasama sila. Sunod na dumating si thunder kasama si... Kaibigan ni athena?

"Jaydee?!" sabay sabay na sigaw nina athena, fran, at ally.

"Hi girls!" Nakangiting bati niya sa tatlo "Hindi naman pwedeng kayo lang ang kasama dito diba? Syempre may escort din ako na connected sa reunion na to" natatawang sabi niya

Natawa din kaming lahat sa sinabi niya. Sunod sunod na nagsipagdatingan ang mga dati naming kaklase na may mga muse na kasama. Walang papatalo. Parang flex ng mga partners ang nangyayari sa pagitan naming lahat.

"So totoo pala ang balitang nagkabalikan ang dalawang star ng school natin dati?" tanong ni rain.

"Oo kaya manahimik ka diyan" pambabara sa kanya ni athena.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon